For @kickshaw3676 and @ishtarinthemorning
Your suggestions in the previous chapter's comments section gave life to this chapter. :)
//
Matapos ang hapunan ay niyaya na ni Manang Auring si Baste para makapagpalit ng damit na pangtulog at makapaghilamos na rin. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay sinabihan nito si Maine na wag kakalimutan ang kanyang bedtime story ng gabing iyon. Tumango lamang ang dalaga at nginitian ang bata bago nangako na susunod ito sa kwarto kapag tapos na ito sa lahat ng ginagawa.
Si Don Richard naman ay nagpa-timpla ng kape kay Mang Nardo. Pinalabas na rin nito ang natitira pang puto at kutsinta para gawing panghimagas.
"Alden, hijo. Do you want coffee too? Ikaw, Maine?" tanong ng don sa dalawa.
"Siguro Pa, tea na lang. Ano bang meron tayo diyan?" sagot ni Alden.
"Ako rin po, Tito. Tea na lang din."
"Nardo!" sigaw naman ng don. "Makikisuyo na nga rin ng dalawang tsaa para sa mga bata!"
Maya-maya lamang ay dumating muli si Mang Nardo dala-dala ang isang maliit na tray kung nasaan nandun ang mga ipinakisuyo ni Don Richard.
"Don Richard, eto na po," wika ni Mang Nardo habang inilalatag at inihahapag sa kanila ang kanyang dalahin. "Iho at iha, eto ang tsaa. Dala ko na rin ang puto at kutsinta. Tamang tama, masarap nga itong tsaa dito sa kutsinta. Tapos Don, dyan sa kape niyo, etong puto."
"Salamat ng marami, Nardo."
"Sige po, mauna na po ako at aayusin ko pa yung kusina habang wala si Auring. Baka masigawan na naman ako nun, pagbalik niya at hindi pa nakaayos kahit yung mga kaldero man lang."
Natawa na lamang ang mag-ama pati si Maine sa sinabi ni Mang Nardo. Matapos noon ay panandaliang nanahimik silang tatlo habang ninanamnam ang kani-kanilang kape at tsaa.
"Kamusta naman si Sebastian, Maine?" tanong ni Don Richard na siyang nagtapos ng saglit na katahimikan. "He didn't give you a hard time naman?"
"Ay, hindi naman po Tito. He's a very sweet boy. And he asked me to read him about --"
"The Steadfast Tin Soldier by Hans Christian Andersen," biglang sabat ni Alden.
"Uhm... Oo," ngiting saad ni Maine habang dahan-dahang sumipsip ng tsaa.
"Tsk. Paborito kasi ni Baste talaga yung story na yun. God knows, how many times he had me read it. Pati na rin sa lolo niya, yun ang laging request."
"It's a good story. Tells of bravery and courage of the one-legged tin soldier. Magandang story siya for Baste."
"It's also a love story - you know that right?" tugon naman ni Alden habang si Maine naman ay kumibit-balikat lamang. Kumuha ito ng isang pirasong kutsinta at kinain ito habang iniinom ang tsaa na handa para sa kanila.
Marahang tinitigan lamang ni Alden ang dalaga na nasa harapan niya habang nakangiti. "A love story of how the tin solider sacrificed himself all because of his love for the paper ballerina. Tapos at the end of the sacrifice, nanaig pa rin yung pag-ibig nila sa isa't isa kaya there was a melted tin heart sa hearth and ashes diba?" mahinang dagdag pa ni Alden.
"That's true," nakangiting tugon naman ni Maine. "Love and courage. Good combination."
"Love..."
"And courage."
"Love..."
"Aaandd... that's my cue to turn in for the night," sabad ni Don Richard, habang dahan-dahang tumayo sa kanyang kinauupuan.
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 Winner
FanficWINNER OF THE WATTYS AWARD 2016 UNDER THE CATEGORY: A WRITER'S DEBUT!! Thank you so much for this privilege! It is such an honor to be recognized like this. Maraming maraming salamat po!! A story between a single father who is tired of life and a pr...
