"Alden, hijo - ayusin mo nga yang pagmumukha mo at nakakahiya naman kay Maine."
Nakasimangot pa rin si Alden ng harapin ang kanyang ama, na ngayon ay nakaupo kasama niya sa kanilang labasan, habang hinahanda nina Manang Auring at Mang Nardo ang kanilang pananghalian. Hindi sumagot si Alden bagkus ay lalo niyang sinimangutan ang ama na siya namang ikinatawa ni Don Richard.
"Don't look at me like that!" dagdag ni Don Richard habang nakangisi. "Si Baste ang may gusto na pumunta dito sa rest house. Hindi mo naman sinabi na dito pala ang plano mong date para kay Maine."
"Of all places naman kasi, Pa. Bakit dito niyo naisipang pumunta?" pagrereklamo ni Alden.
"Like I said - si Baste ang may gustong pumunta dito."
"Eh bakit hindi man lang kayo tumawag muna? Para nasabihan ko kayo or nasabihan kayo nina Mang Nardo."
Natawa ng malakas si Don Richard. "Aba malay ko bang nandito kayo?! This is our family's rest house and we always come here anytime. Stop acting like a 5-year old whose candy got taken from him. Daig mo pa si Baste sa pag-simangot."
"Eh kasi naman eh... Ok na, Pa, eh. Andun na ako, eh. Makaka-isa na ulit ako, eh. Sakto naman yung dating niyo," patuloy na pagreklamo ni Alden habang ibinaling ang tingin kay Maine at sa kanyang anak na ngayon ay naglalaro sa may tubig-dagat, di kalayuan.
Mas lalong natawa ng malakas si Don Richard sa sinabi ng anak. "Malala ka na nga anak! Iba na ang tama mo diyan kay Maine." Inobserbahan nito ang anak habang nakatitig na nakangiti sa dalagang ngayon ay karga karga ang apo habang umiikot at tumatawa. "But yes - I could see why you would fall for her."
Biglang nabaling ang tingin ni Alden sa ama. "Fall? No... I'm not..."
"Sige, i-deny mo pa, anak. Kahit halatang halata ka na."
"But..."
"Alden, hijo," sabad ni Don Richard. "Maine seems like a very good lady. She's the kind of girl who would love you for who you are and not because of how much your bank account has. It helps also that she seems to get along very well with Baste. Tapos sobrang ganda pa."
Muling ibinalik ni Alden ang tingin sa kanyang anak at sa napupusuang dalaga, ang ngiti sa kanyang mga labi ay muling nanumbalik din. "That she is, Pa. That she is."
//
Maya-maya lamang ay nagpaalam sandali si Alden sa ama na sasamahan si Mang Nardo sa bayan bilang may pinabibili raw si Manang Auring na kulang na rekado sa kanyang inilulutong pananghalian. Mas mapapabilis din kasi ito kung ipagmamaneho ni Alden ang matandang caretaker nila kaysa sumakay pa ito ng tricycle.
Nung umpisa ay ayaw rin talagang umalis ni Alden dahil na rin sa maiiwan niya si Maine pero sinabihan siya ni Don Richard na siya na ang bahala rito. At saan naman pupunta si Maine? Ani pa nito habang tinaasan ng kilay ang anak.
Buntong-hiningang sumunod naman si Alden sa ama at tuluyan na ngang umalis panandalian.
Ngayon ay taimtim na inoobserbahan ni Don Richard ang dalagang napupusuan ng kanyang unico hijo. Kapansin pansin dito ang tunay na galak habang nakikipaglaro kay Baste. Bukod pa sa napakaganda nito kahit na simple lamang manamit, ang ngiti at tawang ibinibitaw nya para sa apo ay syang mas lalong nagpapaganda dito. Ang isa pang nagustuhan ni Don Richard sa dalaga ay ang tila walang kamuwang muwang nito tungkol sa angking kagandahan.
May ilang segundo rin ang nakalipas bago napagpasyahan ni Don Richard na puntahan ang dalaga at ang apo sa may dalampasigan. Hindi naman kasi sila masyadong nakapagusap kanina pag dating nila dahil biglaang napako agad ang atensyon ni Maine kay Baste.
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 Winner
Fiksi PenggemarWINNER OF THE WATTYS AWARD 2016 UNDER THE CATEGORY: A WRITER'S DEBUT!! Thank you so much for this privilege! It is such an honor to be recognized like this. Maraming maraming salamat po!! A story between a single father who is tired of life and a pr...
