Para kay @fatheralden at @aandmfangirl :) I promised this chapter to you guys, remember?
Para din ito sa Titas of Abroad. You know who you are. Mahal ko kayo, tandaan niyo yan. Isa kayo sa nagbibigay sa akin ng kaligayahan pag nanlulumo na ako sa mga bagay-bagay. Salamat. :)
Paumanhin - dahil hindi ito beta'ed at proof-read okies? I rarely do so on my fics except the ones I did for AMACon and I, Ache. Hehehe.
And onto the story! Medyo pagpasensyahan niyo na rin kung sabaw ng kaunti. Hindi pa ako recovered sa AMACon. Ehehehehe... Hopefully I could update sooner. Since meron na akong naisip na susunod na mangyayari dito. Ayun... :)
Tweet me at @wuthie16. I'd love to hear from you and be your friend. :)
==========================
SHET! MENGGAY! ILANG SAGLIT NA LANG DADATING NA SIYA AT WALA KA PANG ISUSUOT!
Atubili si Maine sa kanyang kwarto sa pagpili ng isusuot para sa araw na yun. Sabado na ng umaga. Ngayon na ang araw ng date na sinabi niya kay Alden na ipaghanda para sa kanila.
"Eto na lang ba? Or eto? Hindi, hindi. Mas ok 'ata eto," bulong ni Maine sa sarili habang iniisa-isa ang mga damit sa kanyang harapan habang nakatayo sa harap ng salamin sa kwarto niya. "Kasi naman diba? Nagkita na nga kayo kahapon pero nakalimutan mo naman itanong kung anong gagawin niyo?!"
Tinapon ni Maine ang mga damit na hawak nito sa kama niya sa inis. Dali dali ulit siyang bumalik sa kanyang dresser para mag-hanap ng iba pang pwedeng isuot. Aaaarrrggghh! Tapos diba - hindi pa rin ako naliligo! Bright and early daw. Anong oras na Meng?!
Imbes na kumuha ng damit ay naisipan ni Maine na maligo muna ng mabilis bago mamili ng isusuot. Aligaga na naman siyang nagpunta sa banyo at inayos ang setting ng shower nito. Maya-maya lamang ay naliligo na siya habang iniimbentaryo ang lahat ng damit niya sa kanyang isip.
"Casual wear na lang kaya? Hindi naman pwedeng business or semi-formal. Jusko, Meng - common sense!"
Makalipas ang ilang minuto, matapos maligo ay nakapag-desisyon na rin ito ng kung anong isusuot. Puting mini-skirt, puting sneakers at casual na asul na blusa. Hindi gaanong pormal, pero hindi rin gaanong casual. Tama at sakto lang. Komportable pa.
Nagpasya itong mag-timpla ng tsaa habang naghihintay sa binata. Tiningnan nito ang orasan at napansin na ilang minuto na lang ay dadating na ito. 6:47AM ang sabi ng digital clock na nasa ibabaw ng kitchen counter ni Maine. 7:00AM ang usapan nila.
"May enough time pa kahit for tea man lang," buntong-hiningang sabi ni Maine sa sarili. Pagkatimplang-pagkatimpla niya gayunpaman ng tsaa ay may biglaang nag-doorbell na kasabay ng isang mahinahon na katok sa kanyang pintuan. Napatingin muli si Maine sa kanyang orasan at napakunot-noo. 6:50AM. He's early by 10 minutes. Excited much?!
Nag-doorbell pa ulit ito ng isang beses kaya naman napasigaw si Maine ng, "Sandali lang! Eto na!" Grabe naman ito - hindi makapaghintay.
Pagbukas ni Maine ng kanyang pintuan ay bumungad agad sa kanya ang naka-ngiting Alden. Hindi napigilang mapasinghap ng bahagya ni Maine sa tumambad sa kanya. Bagay na lalong ikinangiti ng binata na nasa harapan niya. This should be illegal. He shouldn't be out looking this good so early in the morning. Gaaaah! Juskopongmahabagin! Pano ko makakaya ang buong araw na ito?!
"Hi, Maine," marahang bati ni Alden. "For you," dagdag nito habang iniabot ang isang tangkay ng dilaw ng carnation na may pink na ribbon na nakatali dito.
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 Winner
FanfictionWINNER OF THE WATTYS AWARD 2016 UNDER THE CATEGORY: A WRITER'S DEBUT!! Thank you so much for this privilege! It is such an honor to be recognized like this. Maraming maraming salamat po!! A story between a single father who is tired of life and a pr...
