Bago ko pa makuha ang tirang ulam sa loob ng ref, dumating na ang aking anak galing school.
Mabilis siyang nagmano at humalik sa pisngi ko.
"Kamusta school?" tanong ko.
"Nakakapagod, Ma. Nagugutom nga po ako, eh. May pagkain pa po ba?"
Muli kong binalik ang atensyon sa ref at tuluyang kinuha ang ulam sa loob nito.
"Eto, may tira pang ulam. Kumain ka na." At ipinaghanda ko siya ng pagkain.
Pinagmasdan ko siya habang masiglang kumakain. Napangiti ako at hindi inalintana ang labis na gutom.End.
![](https://img.wattpad.com/cover/71343627-288-k525116.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Short Stories (A Compilation)
Short StoryHi! This is a compilation of my short stories, sobrang short na kaya mong tapusin within minutes hehe. I posted these in my facebook already so gusto ko lang i-share dito. Enjoy! ❤️