HABANG nagii-scroll ng news feed si Bryan, napukaw ng isang artikulo ang atensyon nito.
"O ayan, may na-rape na naman sa Makitid St. Tatanga-tanga rin 'tong babae. Naglalakad mag-isa ng madaling araw tapos nakapalda pa. Malamang mare-rape talaga 'to," komento nito matapos mabasa ang artikulo.
Nakuyom ni Vina ang kamao matapos marinig ang sinabi ng asawa. "Kahit ano pang suot ng babae, nakapantalon o nakapalda, kung rapist at manyakis ang lalaki, mangre-rape at mangre-rape pa rin 'yan!"
"Kalokohan! Malamang naakit 'to sa suot nung babae! Tignan mo nga ang iksi iksi!"
"Kapag nagsuot ako ng palda ibig sabihin ba nu'n binibigyan ko ng karapatan ang mga kalalakihan na gahasain ako?!"
"Ang dami mong satsat! Patahanin mo 'yung anak natin, kanina pang umiiyak! At bilisan mong gumayak, kanina pa nag-text si Mama. Punta na ko sa trabaho ko."
Walang nagawa si Vina kung hindi ang sarilinin ang sama ng loob at patahanin ang isang taong gulang na anak.
KINAGABIHAN, naabutan ni Bryan ang kanilang bahay na walang tao. Alas-nwebe na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang asawa at anak galing sa bahay ng ina.
Sinubukan niyang tawagan ang asawa ngunit walang sumasagot.
Nanood muna siya ng TV habang naghihintay. Ngunit isang balita ang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
"Kapapasok lamang na balita, pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek sa diumano'y panggagahasa at pagpatay sa mag-ina mula na naman sa Makitid St., Lungsod ng Maynila. Kinilala ang ina bilang isang kagalang-galang na Brgy. Health Worker na si Mrs. Vina Murillo at ang anak nito na isang taong gulang lamang nA walang awa ring ginahasa ng suspek!—"
Pinatay ni Bryan ang TV kasabay ng pagkadurog ng puso nito.
Napayuko siya at tuluyan nang bumuhos ang kanyang luha. Hindi niya lubos akalain kung paanong nagawa ng suspect na gahasain ang kanyang mag-ina. Respetadong tao ang kanyang asawa at ang anak naman ay isang taong gulang pa lamang.
Nakuyom niya ang kanyang mga kamao.
"Tama ka, Vina. Sana nakinig ako sa'yo," bulong niya sa sarili.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Super Short Stories (A Compilation)
Short StoryHi! This is a compilation of my short stories, sobrang short na kaya mong tapusin within minutes hehe. I posted these in my facebook already so gusto ko lang i-share dito. Enjoy! ❤️