Chapter 2 (Drew)

10 2 0
                                    


KAHIT BATA PA AKO

By: ChakaBey

_________________________

"What is love?"

Eh-

Ano bayan! Bakit ganto ito?

Tanong ko sa isip ko habang paulit ulit kong binabasa ang tanong na nakasulat sa test paper.

"What is love?"

Basa ko pa. Naaning na ako kaya nagtaas ako ng kamay na agad naman napansin ng teacher sa harap.

"Yes Ms. Alonzo?"

Tanong ng teacher sa harap.
Tumayo ako para itanong kay maam yung tanong sa test paper na kanina ko pa paulit ulit na binabasa.

"Maam, Kasama po ba itong number 49 sa sasagutan?"

"Yes. Tanong yan for number 49 and 50. Pwede mo namang hindi sagutan pero wag kang mag assume na magiging perfect yung score mo"

Umupo na ako pagtapos sabihin yun ni maam.

Anak pala ng pating si maam eh. Ano naman kinalaman ng love sa subject na Math?

Mas gusto ko pang sagutin ang quadratic equation kesa sa tanong na ano ang love.

Don't get me wrong, hindi ako bitter. Sa katunayan nga NBSB ako eh.

I have motto kasi which is "Study first before landi"

Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para magkaroon ng magandang buhay in the future.

Hindi naman kami mahirap pero hindi rin naman kami mayaman. Nasa Middle Class ang estado ng buhay namin.

Back to the topic, may exam kami ngayon. 50 items at number 49 na ako. Binasa ko ulit ng mahina ang tanong.

"What is love?"

Nilapag ko na sa table yung testpaper para sagutin ang love chuchu na yan.

'Love is undefined'

"Aray"

Sinamaan ko ng tingin yung katabi ko na nambatok sa akin.

"Anong 'love is undefined'? Gusto mong magalit sayo si maam?"

Tanong niya sa akin habang nakatitig sa answer sheet ko. Tinitigan ko din yung sagot ko nang may marealized ako.

Tinaob ko yung answer sheet ko at tumingin sa katabi kong tumitingin sa papel ko.

"Pasimple ka pa eh. Kumokopya ka lang. Dun ka nga! Shupi"

Pagtataboy ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Asa ka naman. Alam kong matalino ka kaya hindi ko alam kung bakit mo sinabing love is undefined."

"Epal ka eh. Tapos na ba ako magsagot? Ah? Dada ka ng dada dyan. Sagot mo problemahin mo"

Sinamaan niya ako ng tingin. Di ko nalang siya pinansin at tinuloy ang pagsagot.

'Love is undefined because love is based on emotion, not by definition. It was never meant to be explained, it was supposed to be felt. '

Tumayo ako para ipasa yung answer sheet ko. Okay na siguro yung dalawang sentence. Wala naman sa direction na gawing essay eh.

Pagkapasa ko bumalik ako sa upuan ko para ayusin ang gamit ko dahil pwede ng umuwi.

Last subject namin ang math kaya nakakatuwa dahil pagtapos ng madugong pakikipagsapalaran sa math ay makakapagpahinga na ang utak namin.

Patawid na sana ako ng highway sa labas ng school dahil dun pa ako sasakay sa kabila ng hindi ko napansin na meron palang truck na mabilis magpaharurot papunta sa direksyon ko.

Kahit Bata Pa Ako (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon