KAHIT BATA PA AKOBy: ChackkaBey
_______________________
Aww.
Biglang kumirot ang sugat ko sa noo ko nang akmang tatayo na ako sa pagkakahiga. Ganun ba kagrabe ang tama ng bola sa noo ko. Gosh ang sakit. Parang pinipiga yung ulo ko.
"Ok ka na ba?"
Tinignan ko si ateng nurse na nagtanong at tumango.
"Ateng nurse anong oras na po?"
"9:43"
"Hala ate late na ako. Salamat ate"
Nagmadali akong tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng clinic. Bubuksan ko na sana ang pinto ng clinic nang may naunang nagbukas nito kaya napaatras ako para hindi matamaan nang tuluyan.
"Oh? I'm glad you're awake"
Nagulat ako sa niluwa ng pinto. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Relax Shai! Di pa end of the world orayt?!
"Y-yeah"
'Ano ka ba Shai! Bakit ka nauutal. Umayos ka nga.' Pagpapakalma ko sa sarili ko.
Nakita kong ngumiti siya pero napalitan din ng pagkalungkot.
"About what happen earlier, sorry. I didn't mean that."
Sincere na pagkakasabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Di ko naiintindihan yung sarili ko. Bakit ganito magreact ang katawan ko?! Ang strange ng nararamdaman ko.
"I-its okay. I-I'm going. Late na ako sa klase ko"
"You sure?"
Tumingin ako sa kanya atsaka ngumiti.
"Yeah. Thanks anyway"
Ngumiti din siya sa akin kaya naexpose ang dimples niya. Oh my. Ang gwapo.
"Hatid na kita"
Nagulat ako sa sinabi niya pero hinayaan ko nalang siyang sundan ako sa paglalakad.
"You studying here also? Bakit ngayon lang kita nakita?"
I shrugged. Hindi ko naman alam ang sagot dahil siya rin naman. Ngayon ko lang siya nakita dito. Siguro kaya nakita niya ako kahapon sa highway dahil galing siya dito nun.
"At bakit sa tuwing nakikita kita lagi kang napapahamak?! Haha malas ata ako sayo"
Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Kahapon at kanina.
"I guess, kailangan ko ng lumayo sa'yo Drew"
Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumawa lang siya at ang sarap pakinggan ng tawa niya.
Si Drew. Siya yung nakakita sa akin nung malapit na akong mabangga ng truck nung patawid ako sa highway. Niligtas niya ako at ngayon naman siya ang may kasalanan kung bakit ako napunta sa clinic. Pero di naman totally kasalanan dahil hindi niya naman siguro sinadya na ibato sa akin yung bola ng soccer kanina diba?
"Pumasok ka na baka mapahamak ka na naman kapag nagtagal ka pang kasama ako"
Natatawa niyang sabi kaya ngumiti ako.
"Thank you"
Pumasok na ako sa room at tumigil sa pagdidiscuss yung teacher kaya napayuko ako. Lagot na. Late na late na ako.
"Sorry I'm la---"
Di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong pinapasok at pinaupo ni Maam.
BINABASA MO ANG
Kahit Bata Pa Ako (ONGOING)
Teen FictionDefine crush? Ang sabi ni Meriam Webster: 1. to press or squeeze (something) so hard that it breaks or loses its shape 2. to break (something) into a powder or very small pieces by pressing, pounding, or grinding it 3. to defeat (a person or group t...