KAHIT BATA PA AKO
By: ChakaBey
______________________
"It's not proper to fight your enemy behind their back"
Sabi ko at agad na inextend ang paa ko para masipa siya. Tumama 'yun sa gilid ng ulo niya at naging dahilan ng pagtumba niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng tao na hawak hawak ko kaya agad akong napalingon sa kanya. Pilit siyang kumakalas pero hinigpitan ko lalo ang pagkakapilipit sa braso niya. Itinulak ko siya pababa pero malakas siya dahil wala manlang nangyari sa kanya. Narinig ko siyang tumawa at dahil dun nakaisip ako ng paraan.
"Are you laughing because you look pathetic? Or because you can't accept the fact that you can't escape from the hand of a young girl?"
Napangiti ako nung magreact siya sa sinabi ko and I grab that chance to bend my knee upward and hit the down part of his spinal column. My smile widen when I saw him in pain. I pin him to the ground and lock him by pressing his head to the ground and putting his hands in his back.
Napangiwi ako nang may humila sa buhok ko aww. Hindi ko pa rin binibitawan yung lalaking nakadapa sa sahig kahit ang sakit na ng ulo ko sa pagkakahila sa buhok ko.
"Hey not my hair. Kung gusto mo ang buhok ko pwede naman kitang bigyan. Wag mo lang hilain."
Iniinda ko ang sakit ng pagkakahila ng buhok ko. Parang gusto niyang bitawan ko itong lalaking nakahiga kaya hinihila niya yung buhok ko palayo dun sa lalaki pero no way. Ang hirap netong pabagsakin ah. Kukunin ko na sana ang dagger sa bulsa ng palda ko ng bigla kong maramdaman na hindi niya na hinihila yung buhok ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong naglalaban sila ni Rai. Tinignan ko yung lalaking kalaban niya kanina at nakita kong nakahandusay na siya sa sahig at wala ng malay. Woahh ang bilis naman. Binalik ko ang tingin ko sa kanya pero bago yun tinutok ko yung kutsilyong kinuha ko sa bulsa ng palda ko sa leeg ng lalaking hinahawakan ko na nakadapa sa sahig dahil gumalaw siya.
"Move again and you'll die"
Napatigil siya kaya napangiti ako. Don't worry hindi ako pumapatay.
Tinignan ko si Rai at kitang kita parin ang galit sa mga mata niya. Ganyan siya kagalit sa mga lalaking ito? Woahh nakakatakot ang itsura niya.
Sinusuntok siya ng lalaki pero iniilagan lang ni Rai. Nung nakaramdam na ng pagod yung lalaki ay ngumiti si Rai at sinugod yung lalaki. At sa isang iglap, nakahandusay na sa sahig yung lalaki. Ayan ang Rai na kilala ko. Umiiwas lang siya sa mga atake na ginagawa sa kanya at pag naramdaman niya ng pagod na ang kalaban niya tsaka lang siya aatake kaya nagulat ako kanina nang bigla siyang sumugod dun sa lalaki kanina na nakahandusay na ngayon.
Tumingin sa akin si Rai at dun sa lalaki na nakadapa kaya binitawan ko na ang lalaki at lumayo sa kanila. Bahala na siya sa lalaking yun.
Gusto niyang makaganti para sa kapatid niya kaya gusto niyang siya ang magpapatumba sa mga lalaking ito kaya konti lang ang atakeng ginawa ko sa kanila at puro lang yun depensa.
Nang makita kong nakahandusay na yung isa pang lalaki ay nakahinga ako ng maluwag. Buti di kami natulad nung nakaraan, kung hindi yari talaga ako sa sumbungero kong kuya.
Nakita ko siyang ngumiti kaya napangiti din ako. Alam kong nakahinga na siya ng maluwag dahil nahiganti niya na ang kapatid niya.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya habang lumalakad papalapit sa akin at inilagay yun sa tenga niya. Nang makarating siya sa harap ko ay saktong baba niya ng cellphone niya. Napakunot ang noo ko. Sino kaya tinawagan niya.
"Let's go. They're coming here"
Sumabay ako sa paglakad niya kahit hindi ko maintindihan yung sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Kahit Bata Pa Ako (ONGOING)
Teen FictionDefine crush? Ang sabi ni Meriam Webster: 1. to press or squeeze (something) so hard that it breaks or loses its shape 2. to break (something) into a powder or very small pieces by pressing, pounding, or grinding it 3. to defeat (a person or group t...