KAHIT BATA PA AKO
By: ChakaBey
___________________
"Saan ka galing?"
Nawala ang ngiti ko nang pagpasok ko ay mukha agad ni Devin Fritz Alonzo ang nakita ko. Siya ang over sa sweetness kong kuya.
"Sa impyerno. Bakit?"
Bored kong sagot kaya sinamaan niya ako ng tingin. Inirapan ko lang siya at umakyat na para pumunta sa kwarto ko kaya lang nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya kaya napatigil ako.
"Tsk. Gusto mo bang isumbong kita kay mama na may boyfriend ka na?"
Boyfriend? Ang bata ko pa para magkaroon ng boyfriend -_-
"San mo naman napulot yang balitang may boyfriend ako?"
Ang galang ko sa kuya ko no? Kung ano kasi ang ikinagwapo ng mukha niya ay yun ang ikinasama ng ugali niya, kaya nga naover sa sweetness eh ayun naumay naging bitter.
"Nakita kitang hinatid ng lalaki kanina. Boyfriend mo yun diba?"
Muntik na akong mapanganga sa sinabi niya. Ayan na naman siya. Gumagawa na naman siya ng issue.
May sasabihin akong secret. Alam niyo ba na idol na idol ako ng kuya ko. Halos lahat ng galaw ko tinitignan niya pero hindi para alamin ang mga magagandang meron ako kundi ang mga gawaing walang kwenta at gagawan niya ng issue tapos isusumbong kela mama. Ang kitid ng utak niyan eh.
"Whatever"
Iniwan ko na siya dun. Kahit naman magpaliwanag ako hindi pa rin siya maniniwala. Kela mama nalang ako magpapaliwanag pag nakarating na sa kanila.
"Hayy"
Pagkarating ko sa kwarto, ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama na kasabay ng pag-alala sa nangyari kanina.
Muntik na ako kanina. Kung hindi pa dahil kay Drew baka patay na ako ngayon.
Bakit ba usong uso sa Pinas ang mga reckless driver?
*tok*
*tok*
*tok*
Dinilat ko ang mata kong nakapikit na dahil inaantok na ako para tignan kung sino yung kumatok.
"Sino yan?"
Ang taong naiisip ko na kumakatok ay ang kuya kong makitid ang utak.
Dalawa lang naman ang kasama ko sa bahay. Siya atsaka yung katulong slash taga-bantay ng bahay pag nasa school kami.
"Wala ka bang balak kumain? Hindi ka prinsesa para pagdalhan ka pa sa kwarto mo ng kakainin mo"
Speaking of the EVIL.
Psh. Parang babae kung dumada."Wala kang pake kung ayokong kumain, hindi naman ikaw ang magugutom kaya wag mong guluhin ang tulog ko"
Depensa ko sa kuya kong pinaglihi sa pwet ng kabayo.
Nagtalukbong ako ng kumot para mawala yung badtrip ko sa hinayupak kong kuya. Bwisit na yan. Kelan niya ba ako titigilan.
*Kring kring*
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm. Kahit isang beses lang tumunog ang alarm, malakas naman yan to the point na parang magugunaw na ang bahay namin pero joke lang! Ang oa na nun. Nakaearphone kasi ako kaya malakas ang dating sa akin ng alarm ng phone. Nagsoundtrip kasi ako kagabi, eh nakatulog ako kaya nakalimutan kong tanggalin kaya poof binging bingi ang tenga ko sa alarm.
BINABASA MO ANG
Kahit Bata Pa Ako (ONGOING)
Teen FictionDefine crush? Ang sabi ni Meriam Webster: 1. to press or squeeze (something) so hard that it breaks or loses its shape 2. to break (something) into a powder or very small pieces by pressing, pounding, or grinding it 3. to defeat (a person or group t...