KAHIT BATA PA AKOBy: ChackkaBey
_______________________
10 minutes left.
Habang papalapit ng papalapit ang dismissal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
-Flashback-
"I know it's dangerous but promise, after this I will never do it again. Please Shai. For my sister."
Hayss. Hindi pa magaling ang sugat sa noo ko tapos may galos pa akong natamo dahil sa nangyari kahapon tapos ngayon heto na naman. What a life.
"Promise me, this is the last?!"
Bumitaw siya sa pagkakayakap at lumiwanag ang mukha niya. Nakita ko siyang ngumiti pero maliit lang. Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya.
"Yes I promise"
Ngumiti din ako sa kanya. Last na ito at hindi na mauulit kaya sana pagbigyan ako ng tadhana. Hindi sana ako mahuli ni Kuya.
"Okay"
Tipid kong sagot. Nagulat ako nang bigla niya akong higitin palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you Shai. After dismissal okay?"
Tumango ako sa kanya dahil wala na rin naman akong magagawa. Kahit naman ako ang nasa kalagayan niya. Gagawin ko din yung gagawin niya.
-End of Flashback-
*Kringg~*
Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang bell. Dismissal. This is it.
Inayos ko ang gamit ko at ganun rin naman ang ginawa ng mga kaklase ko.
"Shai hintayin mo ko sa main gate. I'm going to pee"
Tinignan ko ang likod ni Rai habang naglalakad palabas ng room. Sigurado ba talaga siyang kaya naming dalawa yung mga yun. I sigh.
-
Tinignan ko si Rai na papalapit sa akin habang nakangiti. Nang makalapit siya sa akin ay may inabot siya at nanlaki ang mata ko dahil dun.
"You---"
"Shh. Let's go"
Hinatak niya na ako palabas ng main gate dahil tulala parin ako.
H-how on earth did she manage to b-bring this kind of s-stuff?
Tinignan ko ang hawak ng kamay ko.
"In case of emergency"
Narinig kong sabi niya. Naramdaman ko ang sakit ng paa ko dahil sa bilis ng lakad niya at take note hatak hatak parin niya ako kaya pati ako napapabilis ang lakad. Binawi ko ang kamay ko na hatak hatak niya at tumayo ng maayos.
"I can walk. You don't need to drag me"
Napatigil siya at tumingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oooppss. I'm sorry"
Pinagpatuloy namin ang paglalakad. Lumiko kami sa isang eskinita na maliit lang ang sakop na space.
"Rai where did you get this?"
Ipinakita ko sa kanya ang hawak ko. Kanina pa ako nagtataka kung saan niya nakuha ito at kung paano niya nadala ito sa school. Mahigpit ang security ng school kaya hindi ko alam kung bakit nadala niya ito sa loob ng school.
BINABASA MO ANG
Kahit Bata Pa Ako (ONGOING)
Teen FictionDefine crush? Ang sabi ni Meriam Webster: 1. to press or squeeze (something) so hard that it breaks or loses its shape 2. to break (something) into a powder or very small pieces by pressing, pounding, or grinding it 3. to defeat (a person or group t...