Who Completes You? [2.7]

3.9K 105 0
                                    

''MABUTI at andito ka na kayo Marra.'' sinalubong siya ng kanyang Ate Sandi.

Sumimangot siya. ''My day is ruined! Next time naman ate pag magpapadala ka sa akin ng driver, yung mabait naman!'' nilakasan niya talaga ang boses dahil alam niyang nasa likuran lang niya ang masungit na lalaking iyon.

Eh ano kung marinig siya nito. Totoo naman na ubod ito ng sungit.

Bigla siyang hinila palayo ng ate niya. ''Mahiya ka nga Marra, hindi driver si Jacob. Kapatid siya ng Kuya Brentson mo.''

Si Brentson ang papakasalan ng ate niya.

'So, Jacob pala ang name niya at kapatid pa siya ng papakasalan ng ate ko, bulong niya sa sarili.

''I thought he's a driver. By the way he looks like one,'' ang totoo ay sinabi niya lang iyon para di mapahiya kasi napagkamalan niya itong driver.

Tumirik ang mata ng ate niya. ''Low down your voice, sis. Nakakahiya pag narinig ka ni Jacob.''

''So what ate? I don't care!''

''Naku sis. Alam mo naman na sa ganyan kami nag-umpisa ni Brentson. Sa una mag-kaaway tapos sa kasalan din pala ang ending! Aminin mo nga Marra, crush mo si Jacob, ano?''

''Ate!'' pinandilatan niya ito. ''Never akong magkakagusto sa Mr. Mayabang na yun!'' sabay lingon niya kay Jacob.

Never nga ba?

Sa gwapo ni Jacob.

--------------------------------

2 MONTHS LATER...

--------------------------------

''WOW! This is paradise!'' bulalas ni Marra habang pinagmamasdan ang paligid ng private island na napili niyang i-spend ang two-weeks vacation na ibinigay ng ate niya. Birthday gift nito iyon sa kanya.

Napakaganda ng isla. Madaming punong niyog sa dalampasigan. White sand at asul ang tubig sa dagat.

May malaking resthouse din na lahat ng pangangailangan niya para sa two-weeks vacation ay nandun na.

Siya lang ang tao sa islang iyon dahil yun ang gusto niya. She live on her own naman eversince kaya walang problema. She can cook and do the household chores kahit isa pa siyang sikat na ramp model.

SOJU's CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon