Who Completes You? [4.7]

3.4K 97 4
                                    

''Leave this island Jacob!'' matapang niyang sabi.

''I wont, Marra! I paid and rented this island for a week so you can't make me leave that easy!''

Piniksi niya ang kamay na hawak ni Jacob. ''Grrrrr...!!!'' gigil na asik niya dito sabay takbo papunta sa resthouse.

--------------------------------

KANINA pa palakad-lakad sa loob ng kwarto si Marra.

Ang pagkakita ni Jacob sa kanyang hinaharap ay talagang nakakahiya!

Ang buong akala niya ay siya lang mag-isa sa islang ito. Iyon naman pala ay may kasama siya at si Jacob pa talaga. Malamang ay binayaran nito ng malaki ang may-ari ng isla kaya andito siya ngayon.

Ang sabi naman nito, one week lang ito sa isla. Iiwas na lang siya dito. Tama, yun na lang ang gagawin niya.

--------------------------------

SINADYA ni Marra na alas-otso ng gabi bumaba ng kwarto. She skipped lunch at talagang umaalma na ang tiyan niya sa gutom.

Naabutan niya na kumakain sa komedor si Jacob.

''C'mon let's eat,'' yaya nito sa kanya.

Inisnab niya ito. Tuloy-tuloy siya sa lutuan. She can cook her own food.

Pinihit niya ang gas stove pero di yun umapoy. She tried a few times pa, pero wala talaga.

''Kauubos lang ng LPG kanina when I cooked,'' ani Jacob sa kanya. ''But don't worry, tumawag na ako sa katiwala nitong isla and they'll deliver us one bukas.''

''Pano ako magluluto nito?'' problemadong sagot niya.

Hindi pa naman siya kumakain ng food na straight from the can. Kahit nga sardinas ginigisa pa niya bago kainin.

''Come, kumain ka na dito. Niluto ko talaga ito for the two of us.''

Nakaramdam siya ng kilig sa sinabi nito. Kunwari ay nagdadabog na umupo siya sa harap ng dining table. Papairalin pa ba niya ang pride eh, gutom na gutom na siya.

''Ano ba yang niluto mo?'' fake ang nakarehistrong simangot sa mukha niya.

''Seafood pasta,'' sagot nito habang nilalagyan siya ng pagkain sa plato.

'Gentleman ang loko!' nangingiting sabi niya sa sarili.

SOJU's CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon