Who Completes You? [5.7]

3.4K 92 2
                                    

NAKAHIGA na sa kama si Marra at di siya makatulog. Hindi maalis sa utak niya si Jacob. Aaminin niyang mali ang first impression niya rito.

Nakumbinsi rin niya ang sariling di nito sinasadya ang pagkakakita nito sa ''mahalay'' niyang ayos sa beach.

Gentleman talaga ito. Biruin mo, siya ang pinatulog nito sa kwarto ng resthouse at ito ay sa sofa sa salas natutulog. Isa lang kasi ang bedroom sa resthouse.

Nagpabali-baligtad na siya sa kama pero di pa rin niya magawang makatulog. Natutukso siyang silipin si Jacob sa ibaba.

Dahan-dahan siyang sumilip sa salas at ganun na lang ang paggapang ng awa sa puso niya nang makita ang sitwasyon roon ni Jacob. Namamaluktot ito sa pagkakahiga sa sofa. At alam niyang nakakangawit ang pag-unan sa armrest ng sofa. Panay pa ang pagtampal nito sa sarili nito. Malamang ay pinapapak na ito ng lamok.

May konsensiya naman siya kaya nilapitan niya ito. ''Jacob, dun ka na lang sa kwarto matulog, malaki naman ang kama dun.''

''Don't bother. Okey lang ako,'' sagot nito sa kanya.

''OK? Eh pinapapak ka na kaya ng mosquitoes. Hindi ako makakatulog hangga't di ko nasisiguro na comfortble ka sa tulugan mo,'' bigla niyang kinagat ang labi. Ano ba yung nasabi niya? Baka isipin ni Jacob concern na concern siya rito. ''I mean...Kargo de konsensiya pa kita pag nagka-dengue ka dahil sa lamok kaya dun ka na matulog sa kwarto,'' bawi niya sa sinabi kanina at nagmamadaling bumalik ng kwarto si Marra.

Maya-maya nga ay nakita ni Marra na pumasok sa kwarto si Jacob. Nakahiga na siya noon at agad siyang bumalikwas ng bangon.

''J-jacob...Uhm...'' Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit bigla siyang nataranta nang makita ito?

Umisod siya sa gilid ng kama giving Jacob enough space.

Walang imik itong humiga. Magkatalikuran silang humiga at mas lalong hindi makatulog si Marra knowing na katabi niya si Jacob sa pagtulog...

SOJU's CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon