Nine Mornings [1.2]

3.7K 88 2
                                    

A.N.

Early christmas special ko po ang story na ito. E N J O Y!

''NINE MORNINGS''

written by: sojuismyname

EVERYTHING has set!

T-shirt, pants, shoes, accesories and perfume.

Start na naman ng simbang gabi at nakasanayan na ni Angelo (23 years old) ang kompletuhin ang nine mornings. Alas- kuwatro ng madaling araw ang start ng mass pero two o'clock ay gising na siya. Iyon ay upang di maubusan ng mauupuan sa loob ng simbahan.

Unang simbang gabi ngayon kaya dagsa ang mga tao.

Sumakay na siya ng kanyang kotse at nag-drive papunta sa simbahan. May iilan na rin na tao. Pumasok na siya sa simbahan at umupo sa unahan.

Isa sa mga dahilan niya kaya nais niyang makompleto ang siyam na simbang gabi ay dahil sa kasabihan na kapag nakompleto mo ito ay matutupad ang isa mong kahilingan...

Lumuhod siya at nagdasal at marahang inusal ang kanyang kahilingan.

''Sana po sa huling simbang gabi, magkasabay kami ni Cathy...Promise po, lalakasan ko na ang loob ko to tell her. Di na po ako matotorpe...''

Isang kahilingan.

Tatlong taon.

Tatlong taon na siyang nagsisimbang gabi tuwing sumasapit ang ika-labing anim na araw ng Disyembre...

Pero kahit ganun na katagal at di pa rin natutupad ang wish niya ay never siyang nawalan ng pag-asa.

Natapos ang misa. Paglabas niya ng simbahan ay naramdaman niya na malapit na talaga ang Pasko.

Napakalamig na ng simoy ng hangin. Tila nasa loob ka ng isang refrigerator.

May mga nagtitinda na ng puto bumbong, bibingka at mainit na tsokolate.

Ang mga bahay ay napupuno ng dekorasyong angkop sa kapaskuhan...

Nakangiti siyang umuwi ng bahay. Ramdam niyang pagbibigyan na siya ng Diyos sa tangi niyang hiling...

SOJU's CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon