Bestfriend Kita, Pare! [part 3 of 5]

2.8K 65 4
                                    

Nagtatawanan sila ng bago niyang mga barkada samantalang ako, parang asong nakasunod sa kanila.

Hindi ba dapat ay ako ang kinakausap ni Ian? Matagal kaming hindi nagkita at nagkausap! Hindi na ako nakatiis ng oras na iyon...

''Pre sandali nga!'' sabay hawak ko sa balikat niya.

Tumigil siya sandali at nakangiting humarap sa akin na parang walang nangyayari.

''Bakit pare?''

''Galit ka ba sa akin Ian?''

''Galit? Hindi, ano bang pinagsasabi mo?''

''Wala! Para kasing anlaki na ng pinagbago mo...Bestfriend mo ako pare! Pero kung ituring mo ako ngayon parang ordinaryong kakilala mo lang. Bakit? Dahil ba sa kanila, huh?!'' sabay turo ko sa mga barkada niya na nasa paradahan na ng jeep.

''Inaaway mo ba ako JL?'' tanong niya.

''Hindi...Dahil daig ko pa ang brineyk at brokenhearted kapag nag-away tayo! Kapatid na ang turing ko sa'yo Ian...Ewan ko lang kung ano ako sa'yo!'' sabay tabig ko sa kanya.

''Pre, sorry. Hayaan mo, babawi ako. Saka, malapit na tayong magsama sa isang boarding house. Non-stop inuman na naman tayo!'' siniko-siko pa niya ako sa tagiliran ko.

Doon unti-unting nawala ang tensyon.

''Ulol mo!'' sabay batok ko sa kanya.

Bago umuwi ay kumain muna kami ng paborito naming pagkain: kwek-kwek at Tanduay Ice!

------=======o=====------

MAKALIPAS ang dalawang linggo ay nakalipat na kami sa sinasabi niyang boarding house. Linggo noon kaya parehas kaming walang pasok.

Makakasama naming dalawa sa kwartong iyon sina Mike, Mark, Prince at Jam na kapwa mga factory workers. Sa iisang double deck lang ang aming tulugan. Ako sa taas then kay Ian iyong ibaba.

Walang curfew at mahihigpit na regulations kaya naging maluwag ang lahat sa amin. Tuwing may pagkakataon ay nag-iinom kami ni Ian kasama ang iba pa naming kasamahan sa trabaho.

Ang akala ko ay okey na ang lahat pero hindi pa pala...Hanggang sa dumating ang pangyayaring susubukin kung gaano ang ka

SOJU's CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon