Chapter 1

9 1 1
                                    

Warning!

Ang mga jeje words sa Chapter na ito ay sinadya talaga ng bida.

-----

Nandito ako ngayon sa isang bookstore para bumili ng paborito kong story sa wattpad na pinublish at naging book.

"Avah Maldita by Simplychummy, saan ba nakalagay yun?"

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang 'My Husband is a Mafia Boss by YanaJin 1', hehe! Nandito lahat. 1 ,2, 3, and 4. Kailan kaya ipu-publish ang 5?

Kinuha ko ang apat at pinagpatuloy ang paghahanap ng 'Avah Maldita' hanggang sa nakita ko ito sa pinakamataas na parte ng shelf.

Kinuha ko ito at sinama sa mga hawak kong libro.

Ano pa kaya ang magandang---

"Kuya, ibili mo naman po ako ng libro oh?" dinig ko. Pumunta ako sa direksyon ng nagsalita at tumambad sakin ang isang gwapong lalaki at isang babae na mukhang trese anyos.

"Ito lang ang kailangan nating bilhin."

Palihim kong sinilip ang hawak ng lalaki at palihim na binasa ang libro "How to manage a business"

Tumingin-tingin ako ng mga libro para hindi malahata na nakikinig ako sa usapan ng magkapatid "Ang mahal naman niyan! Tignan mo nga po yung presyo, Php 399.75 pesos" reklamo ng batang babae. "Bata pa lang tayo, puro tungkol na sa business ang binabasa mo."

Hindi sumagot ang lalaki kaya pinagpatuloy ko pa rin ang pagtitingin sa mga libro "Nagbabasa ka rin ng tungkol sa business?"

Tumingin ako sa likod at gilid pero wala akong nakita, meaning ako ang kinakausap niya. Tinignan ko ang mga libro at---

'Business world'

'How to manage a Business'

Puro business ang nababasa ko. Tumango ako bilang sagot, tinignan naman niya ang hawak kong mga libro at napakunot. Ang gwapoo---

"Uy! Si Kuya! May gusto sa---"

"Shut up"

Umalis na silang dalawa samantalang ako ay naiwang tulala. Ang gwapo eh.

Kahit na simple lang ang suot niya, gwapo pa rin. Siguro mayaman yun at may napakalaking business sila.

Pumunta na ko sa counter para magbayad at ng matapos yun ay pumunta ako sa favorite kong fastfood chain. "Jollibee! Bida ang saya~~~" pagkakanta ko at lumapit kay Jollibee. Tumalon-talon ako ng parang bata dahil sa sobrang saya.

Ang sarap kaya ng chicken joy nila!

Umorder ako ng mga pagkain at naghanap ng upuan. Walang vacant seat!

"Ate! Dito ka na lang po!" sabi ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako. Siya yung batang babae kanina. Kumakain sila ng kuya niya ng Burger Yam. Hmm ang sarap kaya nun!

Nilapag ko ang tray at binigyan sila. Bale, tatlong spaghetti ang inorder ko at tatlong chicken joy rin tapos maraming extra rice.

Bitin pa nga sakin yun eh.

"Eto oh? Wag na kayong mahiya" nilagay ko ang mga pagkain sa harap nila.

Kahit na bitin sakin yun...ishe-share ko na lang. Sabi nga sa commercial ng jollibee na 'ang tunay na joy ay ang pagshe-share'.

Agad na sinunggaban ng batang babae ang spaghetti at kumuha ng tinidor.

"Hang sharap!" inabot ko ang tissue at ngumiti.

My Dirty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon