"Bye, Jessica!" masayang sabi ko at sumakay na ng tricycle. Ang sarap ng tulog ko sa bahay nila.
And the most FC award goes to Haru!
The most influencing female star award goes to Haru!
Napakafeeling close ko sa pamilya nila. Siguro bumubulong si Jessica ng
'Napaka-FC naman nito pero maganda. Hehe. FC na maganda'
'Ang kapal ng mukha ng babaeng to! Feeling naman niya na matagal na namin siyang kaibigan'
Mas maganda yung first option. Kaya wala ng aarte pa!
Bumaba ako ng tricycle at nagbayad, pagtapos nun ay sumakay ako ng Taxi at nagpahatid sa bahay. Hindi pa ko nakakakatok ng pinto ay may nakita akong poster.
Huh?
MISSING
May Picture ko na nakawacky.
Halley 'Haru' Ruis
Last seen: Brgy.Paasa ka
She's wearing white dress worth 1,500php and doll shoes worth of 2,999.99php and has gold earings (original), wristwatch color white (original).
Characteristics:
Physical: Maputi, Curly yung hair, matangos ang ilong, singkit, color pink ang lips, medyo matangkad at malaki ang hita.
Bakit walang maganda?
Bakit naman ako nawawala? Eh nagpaalam naman ako, di ba?
Mga magulang naman oh?! Hula ko, si mama ang nagpagawa niyan. Dinetalye ba naman kung magkano ang mga presyo ng sinuot ko?
"Eto ang tama, may place kung saan binili ang mga gamit" isang sentence pa lang ay alam ko na kung sino ang nagsalita.
"Tadaima!" masayang sabi ko at bintawan ni Mama ang mga hawak niyang bondpaper.
"Ano?"
"Im back"
"Sorry, anak"
"Okay lang po" kahit wala naman silang dapat na ipagsorry. Dumampot ako ng isang bondpaper at binasa ng malakas "She's wearing white dress worth 1,500php, we bought this---Mama? Ano to?"
"Wala lang yan,"
"Pero missing po ako"
"Lilipat na tayo ng bahay" pagpapalit niya sa usapan.
Bahay?! Woah! Lilipat na kami ng bahay! "May kwarto po ba ako dun? Ano pong kulay?"
"Mas malaki pa sa kwarto mo at ang kulay ay?"
"White?" tumango-tango siya kaya agad ko siyang niyakap "Kailan po tayo lilipat?"
"Mamaya"
Tinignan ko ang wristwatch at 12:30pm na pala. Waah! Mamaya na kami lilipat. Excited na ko! Ano kayang itsura ng bahay? Ayos lang sakin kahit maliit pero malaki raw ang kwarto ko.

BINABASA MO ANG
My Dirty Little Secret
Ficção AdolescenteSi Calvin Villafuente ay isang lalaking habulin ng mga babae, matalino, gwapo at parang nasa kanya na ang lahat pero lagi siyang seryoso paminsan nama'y nakasimangot at cold kausap PERO may isang word na laging dine-describe sa kanya at yun at SELFI...