Chapter 6

3 1 7
                                    

Calvin's PoV

Habang nagbabasa ako ng libro ay may isang lapastangan ang kumuha nito. Tinapunan ko ito ng nakakabagot na tingin na ikinainis niya.

"Bakit ba ayaw mong makipag-kaibigan samin?" tanong nito.

Unang una, ang kaibigan mo din ang sisira ng tiwala mo. Kaya ayoko ng makipagkaibigan pa.

"Lagi mo na lang sinasarili ang mga problema? Bakit ngayon lang namin nalaman na natalo pala tayo ng section B sa Ms.D Campus Elimination?!"

FLASHBACK

"Please..." pagmamakaawa ng isang babae sa likod ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla niyang hinawakan ang mga braso ko. "For section A. Please...give me another chance."

"Stupid" inalis ko ang kamay niya sa mga braso ko at naglakad palayo.

"Calvin Villafuente! Whether you like it or not, tuturuan mo pa rin ako!" sigaw niya.

Nababaliw na siya. Ayokong turuan ang mga walang kwentang tao na hindi marunong makinig at umunawa.

Kung nag 'OKAY' lang siya kanina, edi tinuruan ko na sana siya.

Hindi niya ko pinapakain ng tatlong beses sa isang araw para sigaw-sigawan. Humarap ako sa babae at tinapunan siya ng nababagot na ekspresyon.

"Hahaha! I told you, hindi mo talaga ako matitiis. I know na may crush ka sakin, baby. So tayo na?"

"Stupid" madiin na sabi ko at tumalikod sa kanya. Naglakad na ko palabas ng school at umuwi na.

END OF FLASHBACK

Pagnanalo ba ang lapastangang babaeng yun sa elimination ay giginhawa na ba ang buhay namin ng kapatid ko?

Mapapakain ba kami niyan ng tatlong beses o higit pa sa isang araw? Mahahanap ba namin ang mga magulang namin na inabandona kami?

HINDI DI BA?! HINDI!

Wala silang pakialam kung sarilinin ko man ang mga problema ko! Sino ba sila para pagshare-an ko?

Tatay ko ba?

Nanay ko?

Total...bakit ko pa nga ba naisip sila eh mga walang kwenta silang magulang. Iniwan lang kaming magkapatid sa isa nilang mga bahay.

"Calvin, may mga problema na sine-share! Sabihin mo nga sakin kung ano ang problema mo?" mahinahon na tanong niya "Financial? Family Problem? Tell me"

Ang lakas naman ng loob niya para tanungin ako ng mga ganung bagay. Nilabas ko ang wallet ko at pinakita ang larawan ng aking walang kwentang magulang. "Magulang mo?"

Hindi, kapitbahay namin. Pinagmamalaki ko na nakawacky sila. Tss. Shawn, commonsense.

"Sila ang magulang mo?" tanong niya ulit at tumingin naman sakin.

"Oo, mga walang kwentang magulang" natatawang sabi ko at nilagay na sa pitaka ang larawan.

"Hindi sila, pabayang magulang"

Kung hindi, bakit nila ako iniwan?! Pati na rin ang kapatid kong si Jessica?! "Aanak-anak sila tapos iiwan lang din pala" natatawang sabi ko at tinignan siya. Kaming dalawa lang ni Shawn ang nasa room dahil sa maaga pa.

"May dahilan sila, Calvin"

Dahilan? Walang kwentang dahilan!

Hindi ba nila alam na halos mamatay na ko?! Yung sobrang taas na ng temperatura ng katawan ko tapos nag-aalaga pa ko kay Jessica?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dirty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon