14

20 7 0
                                    

Ikay pov

Kasalukuyan akong nakasilip dito sa room namin at tinitignan si Marc at Frances. Gusto ko kasing makita ang pambbwiset na naman niyang gagawin sa Ate niya. Ganyan siya lagi. Hobby niyang mambwiset sa buhay. Gggrrr. Pero nagulat ako sa ginawa niya.......










Niyakap niya si Frances? At ngiting ngiti siya? Pure na ngiti? Parang totoo? Aba sweet din pala ang isang to ah? Hmmmmm... Pero ng kinatagalan nakita ko ung libro na inabot ni marc sa bff ko







"Kaya pala mabait kasi may hinihingi. Salbaheng tunay talaga" tumatakbo sa isipan ko. Ng may dumaan na mabilis na hangin sa harapan ko.







AHHHH ANG BANGO NAMAN!!!! NAKAKAAKIT ANG PABANGOOO!!!! NAG IBA ANG AURA KO. SA PAGIGING KUNOT NA NOO AY NANGITI AKO BIGLA. AT NAPAPIKIT NALANG  NILANGHAP KO ANG MABANGONG AMOYYYYY! ;""""""")





"Hmmm ang bango naman nakakadik! Ughhhh" sabi ko ng nakapikit. Ng biglang may narinig akong natawa. Napadilat ako dahil naalala ko ang itsura ko. At pag dilat ko. Nakita ko si






MARCUS CARLO!!!!!!!!!! NAKATINGIN SIYA SA MALAYO!!!! AHHHHHH SIYA YUNG DUMAAN???? NARINIG KAYA NIYA SINABI KO??? AHHHHH!!! NAKAKAHIYA. TANGA KA JESSICA TANGA KA!!!!!!





Namula bigla ang pisnge ko. At nakita ko siya sa malayo na. Nag smirk siya???? Gosh narinig ata? Ughhh! Sa sobrang asar ko. Napapa dyak na lang ako papasok ng room







"Oh bes? Badtrip ka na naman? Hahahaha" tanong ni frances pagtabi ko sknya





"Ah e wala! Mainit kasi" sabi ko. Ayoko kasi sabihin ang nangyari. Nakakahiya, kapatid niya pa naman yun





"Masanay kana. Di na uunlad tong pilipinas bes. Hahahahhaaha" pangungulit niya. Maya maya agad ng pumasok ang teacher namin







Discuss discuss....... Hanggang sa natapos ang buong araw. Hindi ko na ulit nakita ung bwiset na lalaki. Napalitan na din ung mood ko dahil kasabay ko mag lunch si kenneth ko.. Di ko kasabay mag lunch si Frances dahil kasabay daw niya si unggoy.






"Babe tara na uwi na tayo" hila sakin ni kenneth


"May pupuntahan pa kasi ako e. Tara bilisan na natin" paghila niya sakin ulit.





"Anong tinawag mo sakin??????" Pag piglas ko sknya. Na ikinagulat niya at di siya agad nakapag salita





"Tinawag mo akong babe??? Kelan pa tayo nagkaron ng tawagan na babe ha????" Pasigaw kong tanong sknya





"Ano ba baby! Yun lang magagalit kana. Narinig ko lang kasi yun kanina sa tropa ko. Un tawagan nila nung gf niya. Cute e? Kaya siguro natawag ko sayo" sabi niya sabay kamot ang ulo. Kasalukuyang naka kunot naman ang noo ko. Dko maiwasang magisip ng kung ano






"Baby alam ko iniisip mo. Wala akong babae okay? Wag ka magisip. Tska isa pa. Kahit anong call sign naman pwede ko itawag sayo no!!!" Pag mamaktol niya. Sabay hila sakin. Payakap sknya.






"Sure ka wala kang babae ha?" Paguuususi ko ulit dito






"Wala baby, i promise!" Sabay halik sa noo ko







"Sana nga kenneth, sana nga hindi ako nagkakamali......."

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon