55

17 2 0
                                    


Ikay pov

Andito ako ngayon sa school... Nakatulala pa din ako. Hindi ko na ma process sa utak ko ang nangyari.. Panaginip lang ba ang lahat?? Kami na ulit ni kenneth?? Paano?? Bakit ganto ang nararamdaman ko... Parang ang bigat bigat... Si marcus? Kamusta na kaya siya :(




"Baby!!!! Ito ba yung gusto mo???" Sigaw ni kenneth sa malayo. Hawak niya yung hotdog na pinabili ko. Nakangiti itong taas taas ang hotdog..





"Oo yan nga. Bilin mo na" nakangiti kong sabi dito...


Naging maganda naman ang pagsasama namin ni kenneth. Halos 2 linggo nadin kaming nagtagal. Hindi ko inaasahan ang mga pinapakita niya araw araw. Halos dobleng effort, sweetness, surprises. Lahat na. Alam kong mahal niya ko.... Hindi ako nagsisisi--..... Hindi nga bako nagsisisi?



"Dapat masaya ka Jessica, mahal mo siya diba. Matagal na" bulong ko sa sarili. Ramdam ko ang bigat sa loob ng dibdib ko :((((





"Marc.... Kamusta kana" hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi. Pero taksil na naman ang katawan ko... Alam kong si Marc... Siya ang sinisigaw ng puso ko :((( miss na miss ko na siya... Hindi ko namalayang naiiyak na pala ako. Nanlalabo na ang paningin ko... Mga luhang nababadyang bumagsak






*FLASHBACK*

Ikay pov

Andito ako ngayon sa likod ng mga puno sa may park... Nakikita ko na umiiyak si Marc... Parang nadudurog ang puso ko sa bawat patak ng luha sa mga mata niya...






"I-m so--rry Marc" pabulong kong sabi sa sarili ko habang umiiyak

Naririnig ko ang mga sigaw niya.. Pero hindi malinaw sakin ang mga sinasabi nito. Mejo malayo kasi ako.. Ayokong makita pa niya ko..



"Marc please.... Tumigil kana" umiiyak kong sabi. Napahawak na lang ako sa dibdib ko..




Nakita ko itong sinasabunutan ang sarili.. Gustong gusto ko siyang lapitan.. Gusto kong tumakbo sa kanya.. Yakapin siya ng mahigpit!!!! Sobrang higpit at sabihing tumahan na siya.. Kami na lang. Kami na lang sana :((((((



"So---rryy sorry Marc. I'm so--rry" yun lang ang lagi kong sinasabi.. Hindi ko na napigilan ang umiyak.. Umiyak lang ako ng umiyak... Wala akong magawa... Bakit bakit ba to nangyayari :((((





"Mara--ming salamat Marc. Sa laha--t. Andami mong ginawa *sobs* para sakin. Mahal ki-ta. Alam ko yun. Sana alam mo din" patuloy kong sabi... Patuloy pa din ang pagiyak ko...





"Sana pinaglaban kita Marc.. Pero hanggang dito lang ata talaga tayo" yan ang huling nasabi ko... Tumakbo na ako palayo kay Marc....



*END OF FLASHBACK*

Agad kong pinunasan ang luha sa mata ko... Kasama ko nga pala si kenneth. Baka makita pa niya kong umiiyak... Yun ang huling beses kong nakita si Marcus... Makalipas ang 2 linggo. Hindi na ulit ito pumasok. Pati si frances... Sana hindi siya galit sa ginawa ko kay Marcus :((((





"Mukhang malalim ang iniisip mo baby" sabi sakin ni Kenneth sabay tabi sakin




"Hu-h? Hindi naman" napakamot na lang ako sa ulo ko




"Tara kumain na tayo" nakangiting sabi ni kenneth. Sabay abot sakin ng mga binili niya. Nginitian ko na lang ito






"Sana masaya ka sakin Jessica... Mamahalin kita bawat araw na magkasama tayo. Hindi na kita papakawalan" nakangiting sabi ni Kenneth bago siya sumubo ng kinakain niya....

----

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon