31

28 5 0
                                    


Marcus pov

Patapos na yung class ko. Wala pa ding text si Jessica. Hayy ang babaeng yun. Nahiya ata. Napag desisyunan kong ako na ang tatawag sa kanya after class ko.... Mamaya biglang ng bell na



"Take your lunch class, see you tmr" sabi ng guro


Niligpit ko na yung gamit ko at simulang lumabas na sa room. Kinuha ko yung phone ko at dinial ko yung number ni Jessica....




Ringggg... Ringgggg.... Ringggg... Ringgggg.......


Ring lang to ng ring. Bat kaya ayaw sagutin??? UGHHHHHH





Jessica pov

Nasa class pako.. Vibrate ng vibrate yung phone ko... Ugh sino ba to!!! Palihim kong nilabas ang phone ko.. Nagulat ako kung sino ang tumatawagggggg.....





Calling : GWAPONG MARC 💖




WAAHHHHHH HALOS MABITAWAN KO YUNG PHONE KO... UGH NAPAKA PESTE NI MARCUS.. SIYA NGA PALA ANG NAG PANGALAN DITO!!! NAKAKAINIS.. MAMAYA NGA PAPALITAN KO ITO..




Hanggang sa nag bell na... Yeheyy LUNCHTIME!!!




"Bes tara. Lunch na tayo!" Hila sakin ni Frances



"Dahan dahan naman bes!! Gutom na gutom!" Pagmamaldita ko dito. Natawa naman siya...



Nakarating na kami sa canteen... Agad kaming nagpalinga linga... Wala ng maupuan? Puno na agad ito. Ganto talaga sa canteen. Mabilis mapuno.. Nawalan tuloy kami ng space





"Ayan! Bagal mo kasi e. Paano tayo kakain nyan" nakasimangot na sabi ni frances




"Sorry bes! Magintay na lang tayo.. May matatapos na din naman ata jan" naka ngiting sabi ko sa kanya


Maya maya nag ring na naman ang phone ko.... Si MARCUS. Sinagot ko na ito



"Where are you?" Tanong niya agad...




"Wala man lang hello?????" Pag susungit ko dito




"JESSICA!" Sigaw ni marcus sa kabilang linya




"Sa canteen!!!!" Sigaw ko din dito.. Sabay patay niya ng tawag... Baliw ba siya??? Tinanong lang kung nasan ako e sabay patay agad.. Nakakainis...


Maya maya.....




Ahhhh jusko ang pogi!!!!



Bakit siya andito??? Dito siya kakain? Himala napasyal siya dito? Ayaw niya sa crowded na place dito? Ang pogi sobra... WAHHHHH!!!


Ako na lang kainin mo for lunch!!!!


Sigawan dito at doon. Napabuntong hininga na lang ako... Andito si Marcus.





"Hey" cold na tawag sa likod ko ng isang kilalang kilala kong boses




"Oh bakit?" Cold ko ding tanong dito.



"Tara lunch" sabi niya sabay ngiti.... (Jusko ang pogi)





"Hi brother!!!!!!" Si frances sabay akbay kay Marcus. Dahil matangkad si Marc, napayuko ito. Halata na naiinis siya





"Ate ang bigat mo! Masakit sa batok!!!!" Naiinis na sabi ni Marc.. Tuluyan nakong natawa. Ang cute ng dalawang to.. Sana may kapatid na lang ako





"Bat inaaya mong mag lunch ang bff ko??? Ikaw ha sabi ko na nga ba e!!! Kaya pala---" hindi na natuloy ni Frances ang sasabihin dahil tinakpan nito ang bibig niya






"I'm starving Ate!!!! Ang kulit mo ughhh!!! Jessica! Let's go!" Inaabot sakin ni Marc ang kamay niya.... Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Natuod na lang ako....





"Tss" nakangiting sabi ni Marc.. Sabay hatak samin ni Frances papuntang parking lot





"Hey let go of me marcus! San ba tayo pupunta????" Pag pupumiglas ni frances





"Mag mall tayong tatlo, gutom nako" bored na sagot ni marc.




"May class pa tayo ng hapon!!!!!!" Sigaw naming sabay ni Frances






"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Minsan lang to, wag na kayo maarte. My treat" tumatawang sabi ni Marc. Kumindat pa siya saming dalawa






Nagka tinginan kami ni Frances. Napangiti siya... Mukang alam ko ng di ako makakapasok mamaya... HAYYY





"TARAAA!!!! WOOOOO!! ANG SAYA NITO. BONDING WITH MY BROTHER AND MY BESTFRIEND!!!!!" Sigaw ni Frances. Natawa naman kami ni Marc..





"Basta libre mo Marc ha? Walang bawian!!!" Sigaw ko naman kay Marc..





"Oo na oo na! Makasigaw kayong dalawa jan. Umayos na kayo ng upo. At haharurutin ko na to" sabi ni Marc..




Agad na kaming umayos ni Frances.. Mabilis talaga mag drive tong si Marcus e....






Sa mall......

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon