36

23 3 0
                                    


Kakauwi lang ni Marc. Naging maganda naman ang takbo ng dinner nila Jessica.. Matakaw si Jessica. Minsan napapatulala lang siya dito, at natatawa. Pag nahuhuli naman siya ni Jessica na naka tingin, agad siyang tititigan nito ng masama. Na ikakatawa niya... Kwentuhan, tawanan ang bumalot sa buong gabi nila ni Jessica. Hinatid na din niya si Jessica sa kanilang bahay at bumati din siya sa mga magulang nito...


Marcus house....

"Hello everyone!!!!" Masiglang bati ni Marcus.. Naabutan niya kasing nag momovie marathon ang parents niya at si nicole




"Aba good mood ang anak ko ah" natatawang sabi ng mama niya




"Ikaw kuya ha! Pumapagibig ka" pangaasar ni nicole




"Naka score ka ata anak ah?" Panunukso ng dad niya. Agad naman pinalo ng mama niya ang braso nito





"Hay nako! Kayo talaga ang dudumi ng utak niyo. Masaya lang talaga ako" masiglang sabi ni Marcus. Umupo siya sa tabi nila. At nanuod na din




"At bakit ka nga masaya kuya???" Pagtatanong ni nicole




"Kasi may bagong kaibgan ang kuya mo" sabay akbay naman ni Marc kay nicole




"Baka ka-ibigan anak" panunukso ng dad niya. Nagtawanan naman ang tatlo




"Psh! Dad talaga! Manuod na nga tayo" Sabi ni Marc.. Hanggang nanuod lang sila buong gabi

--------

Jessica pov

Mejo late nako nakarating sa bahay. Mejo malayo layo din ang byahe namin ni Marc. Pumanik pa kami sa bundok remember? Sa kabuuan ay maganda naman ang takbo ng araw ko ngayon.... :)




"Anak ikaw ha! Parang di ka naman broken e" sabi ni papa



"Papa naman!!!!!" Sigaw ko dito. Natawa naman si mama




"Mabait ang batang yun anak. Ok siya sakin" natatawang sabi ni mama. Nag thumbs up pa ito





"Magkano po ba ang binayad sainyo ni Marc ha??" Pagsusungit ko sa kanila... Natawa naman silang dalawa. Lumapit si mama sakin at bigla akong niyakap




"Alam mo kasi anak, masaya kami ng papa mo kasi nakikita ka naming masaya. Nung mga nakaraan kahit hindi mo sabihin, ramdam namin na malungkot ka... Kaya gumagaan ang loob namin kay Marcus. Dahil nakikita namin na napapasaya ka niya at nakakalimutan mo na yung kenneth na yun. Kiniwento kaya ni Marc ang ginawa niya sayo!!!!!" Galit na sabi ni mama. Agad naman akong nagulat



"A-NO??? KNWENTO NI MARC?????? KELAN??? SAAN???!!!" Napa sigaw kong sabi kay mama. Natawa naman si papa




"Huminahon ka naman anak. Yun ay yung gabi na hinatid ka niya dito. Pinag kape pa namin siya e. Kasi mukang masama na ang pakiramdam niya. Basang basa siya nung gabi na yun.. Knwento niya samin ang lahat. Ang sabi pa niya wag na wag daw namin papapasukan dito sa bahay natin ang lalaki nayun" natatawang sabi ni mama





"AHHHHHHHHH??!!!! SINABI NIYA YUN??? UGHHH MARCUS. KAHIT KAILAN TALAGA!!!!" Inis na sabi ko





"Wag kang magalit sa kanya anak. Ginawa niya lang yun para protektahan ka... Sige na pumanik kana. Itext mo na si Marc. Mag good night msg ka sa knya" sabay silang tumawa ng malakas ni papa






"MAMA!!! PAPA!!!!" Sigaw ko dito.. Pabirong tumakbo naman ito patungo sa kwarto nila..


Nagsimula nakong pumanik sa kwarto ko... Naiinis ako pero....... ANG CUTE???? HAHAHAHAHAHAA UGH JESSICA. UMAYOS KA! Habang pagulong gulong ako sa kama biglang nag vibrate ang phone... Kinuha ko ito agad...



Nagulat ako sa nakita ko....

1 message received
(Gwapong Marc💖)

Agad kong binuksan ito. Ewan ko... Bakit ako naeexcite na buksan ang msg ni Marc.... Zzz



Gwapong Marc 💖

-good night Jessica Anne.. Thanks for today :) please smile always 😉





NAPAIGTAD AKO SA NABASA KO.... AHHHHHH!!!!! NAKARAMDAM AKO NG........






KILIG????!!!!!!!!??!!! NO WAY


--------


Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon