41

17 3 0
                                    


Hinatid pauwi ni Marcus si Jessica. Hindi naman sila gano nagpalate umuwi. Pero nag dinner na ito sa labas. Pinag titinginan sila ng mga tao dahil sa mga itsura nito. Hindi lang nila yun pinansin. Nagtawanan lang sila hanggat sa makauwi. Pagod na pagod ang dalawa. Kailangan pa nilang mag empake dahil may lakbay aral sila bukas. Ng makauwi ang dalawa agad itong natulog dahil sa kapagudan..



3:30am........



KRINGGGGGGG!!!! KRINGGGGGGGG!!!!

Ring ng ring ang phone ni Ikay.. Hindi ito pinapansin ni Ikay dahil antok na antok pa ito.... Maya maya bigla na namang nag ring! Nairita na si Ikay, agad kinapa kapa ung phone niya. Sinagot niya ito





"Hmmmmm" antok na antok na sabi ni Ikay sa cp niya





"Good morning Jessica Anne" boses ni Marc. Husky pa ito dahil mejo bagong gising pa. Agad napamulat si ikay sa narinig





"Ma--rc???? Ang aga bakit ka tumawag" tamad na tanong ni Jessica. Sabay kamot pa ng ulo nito





"Maaga? Hahahaha i know hindi kapa nag eempake ng things mo Ikay. Mag empake kana! O baka gusto mong mag baguio ng naka hubad?" Natatawang sabi ni Marcus






"Oo nga pala!!!!!!! Ewan ko sayo! Bastos!" Sigae ni Ikay, napatawa na lang si Marc




"I'll pick u up at 5am! Bangon kana. 6 ang alis ng bus. Bye Jessica" masayang sabi ni Marc. Napangiti na lang si Ikay



"Bye Marc" nakangiting sabi ni Ikay.. Hindi niya alam pero bakit ang saya saya ng loob niya.. Biglang nawala ang antok niya nung nalaman niyang susunduin siya ni Marc...





"LET'S DO THIS!!!! WOOOOHHHHH!!!!" Sigaw ni Ikay. Agad itong tumayo.. Dumiretso ng cabinet niya para mag empake...

---------

Marcus pov

"Bye kuya! Pasalubong ko ah?" Salubong sakin ni Nicole. Pababa nako ng hagdan namin dala dala ang mga bagahe ko



"Oo naman bunso. Salubungin mo ung bus naming paparating. Hahahahaha" pangaasar ko dito. Agad namang nag pout si nicole




"Kuya naman e!!!!" Sabi ni nicole. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya




"Enjoy anak" nakangiting sabi ni mama. Hinalikan ko na silang dalawa ni nicole at lumabas na. Wala na kasi si dad. Pumasok na ng work


Agad ko ng ininstart ang kotse ko... Ppunta nako ngayon kela Ikayyy! Ahhhhhhhhhh! I don't know what's wrong with myself. Nagiging masaya ako kay Ikay. Nakikita siya, masaya ako pag masaya siya. Malungkot ako pag malungkot siya. I don't know anymore pero gusto ko ang feeling pag kasama ko siya... AHHHHHHHHH OTW NAKO SA KANILA NGAYONNN 😍😍😍

------------

TOK TOK TOK...

"TAO PO!" Katok sa bahay nila Ikay.... Mga naka 6 akong katok bago ito bumukas. Hahaahhaa



"Oh iho ikaw pala" salubong sakin ng mama ni ikay ng naka ngiti


"Ah e sinusundo lang po si Ikay tita, hello po tito!" Sabi ko sknla sabay mano


"E intayin mo lang saglit si Ikay. Nagpapa ganda pa e. Hahahahaahhaa" natatawang sabi ng papa ni Ikay. Natawa na lang din ako.


Maya maya ay nakita kong pababa na ito... Pawisan ito? Siguro ay nainitan sa pag eempake... Naka shorts itong maong, naka rubber shoes... At naka black na vneck, naka pusod ang buhok na ito. At may nakasuot na shades sa ulo nito..... Habang pinag mamasdan ko siya ay para bang slowmo ang bawat pagbaba niya ng hagdan.. Hirao na hirap ito sa mga dala niya. Iritang irita ang mga muka. Napatawa na lang ako.... Ang ganda niya. YES AAMININ KO MAGANDA SIYA. MAPUTI, MAKINIS ANG KUTIS. LALO NA ANG LEGS NITO 😍😍😍😍😍😍.....




"HOY BASTOS!!!!!! HINDI MO BAKO TUTULUNGAN HA???? TAPOS MO NA BA AKONG GAHASAIN SA ISIP MO HA???" Sigaw ni Ikay. Nagbalik naman ako sa wisyo.. Kanina pa pala ako naka tingin sa legs niya. Ughhh damn u Marc. Manyak ka!!! HAHAHAHA. Namula naman ang pisnge ko. Bwiset 😒




"Hindi ko kasi mapigilan e. Ang ganda babae naman kasi ang nasa harap ko ngayon" naka ngiti kong sabi habang papalapit kay Ikay. Siya naman ang namula. Natawa naman ako




"Ew-an ko sa-yo! Bitbitin mo na nga to! Tara na!" Natatarantang sabi nito.. Hanggang sa nagpaalam na kami sa mga magulang niya.. Nag bilin ito sa amin etc etc...



Sa school......

"Students! Pumunta kayong lahat dito" sigaw ng dean. Agad naman naglapitan ang mga studyante sa ground kasama kami ni Ikay.



"Meron tayong 15 na buses. Sa left and sa right. Kayo ng bahala pumili kung saan kayo sasakay at kung sino ang magkakatabi niyo. Walang magaagawan ok? Sana maging maayos ang trip na ito. We will leave at 7am. Kaya bilisan niyo na ang kilos niyo. Have a safe trip everyone!" Masiglang sabi ng dean









NAG PANTIG ANG TENGA KO...... KANYA KANYANG PILI KUNG SINONG KATABI SA BUS???? HMMMMM MAY KATABI NA KAYA SI IKAY??????!!!!




SANA WALA........ ☺



-----------

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon