Chapter 23

73 25 3
                                    

Elica's POV:

"Eunice? Bakit ka andito?" Pagtataka ko.

Hinihingal sya ng makaharap sa akin.

"Elica. Please, Itigil mo na ito!" Pagmamakaawa nya.

Si Eunice. Oo, kaibigan ko sya pero...

Nakatapat parin ang kutsilyo sa mukha ni Danniella Jayne. Tumingin ako kay Eunice sabay sa kutsilyo.

WALA DAPAT HAHADLANG SA PLANO KO!

Sinaksak ko sa Danniella Jayne sa mukha nya nagtatalsikan na ang mga dugo.

"AAAHH!" Napasigaw si Eunice dahil sa takot.

"Tumahimik ka!" Sabi ko sabay dinaplisan ko sya ng kutsilyo sa tagiliran.

"Akala ko ba, kaibigan kita Elica?"

"Akala mo lang yun."

Eunice's POV:

Hindi gaanong masakit ang sugat sa sa tagiliran ko since daplis lang yun.

Ang bilis ni Elica na kumilos. Halos hindi ko na makita ang bawat galaw nya. Basta ang alam ko, may pinapatay sya sa harapan ko.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya at pinokpok ako ng vase.

***

Nagising nalang ako at kasalukuyan kaming nasa tulay. Hindi basta ordinaryong tulay kundi ito yung tulay na maraming sabi-sabi na maraming kaluluwa na naggagala.

Nakita ko si Elica na papalapit malapit sa akin at may dalang mga sako. Naaamoy ko ang masangsang na amoy and I bet, patay na tao ang nasa loob nun.

Kinilabutan ako ng ngimiti sya ng katakot-takot.

Tatakbo na sana ako ng maramdaman ko ang kadena na nakatali sa kamay ko.

Hindi ako maka-wala sa kadenang ito.

"Wag ka ng magpumiglas Eunice!" Sabi ni Elica.

"Bakit mo ba ginagawa ito Elica?"

"Wala ka kasing alam!"

"Sabihin mo para malaman ko"

"Para saan pa?"

"Elica, magkaibigan tayo. Magtutulungan tayo"

"O sige, tutulungan mo ako? Ok!" Sabay hagis ng dalawang sako sa tigkabila ko.

Binukasan nya ito at bumungad sa akin ang dalawang patay kong kaklase!

"Ayan na! Go help me to throw them away"

Hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko. Natatakot ako sa nakikita ko. Mulat na mulat sila pero basag na ang mukha. Dumadaloy sa kanilang basag na mukha ang likidong lalong nagpakilabot sa akin. Dugo.

Hindi naman talaga ako takot sa dugo pero kapag patay ang pinaguusapan, aba! Iba na yun!

"Akala ko ba, tutulungan mo ako Eunice?"

"H-hin- TAMA NA! AYOKO!"

Nagulat sya sa pagsigaw ko pero ngumiti parin sya.

"Then don't stand on my way!" Sabi nya. "Mukhang may isa pa akong ililigpit ah?"

"Screw you! Do a fair fight! Nakatali ako and it's obvious na madaya ka!" Sabi ko.

"Ok then. Willing ka palang ipaglaban ang sarili mo 'till the end?" Sabi nya habang sinususian ang padlock sa kadenang nakatali sa akin.

Saktong paglaya ko ay inagaw ko ang kutsilyong hawak nya.

Itinutok ko yun sa kanya.

"Look Elica, it's obvious that I won kaya tama na! I don't intend to kill you!" Sabi ko kay Elica na hindi ako nililingon.

Patuloy sya sa pagtatapon ng bangkay ilalim ng tulay at hindi ako pinapakinggan.

Pumikit ako.

Elica. Magkaibigan tayo kaya tama na! Patawad Elica, Kung, mapapatay kita.

Pagmulat ko ay bumungad sa akin si Elica na nakangiti ng nakaka-kilabot.

"Well, I have the intention to kill you!" Sabi nya sabay agaw sa kutsilyo at idineretso ang pagsaksak sa mukha ko pero naiwasan ko yun kaya galos lang ang natamo ko.

Inabutan nya ako at idiniin sa pader ng tulay.

Sinasakal nya ako habang papalapit na ang hawak nyang kutsilyo.

Tinuhod ko ang kamay nya at tumalsik yung kutsilyo sa mukha ko pero buti nalang at hindi yung blade ang tumama.

"My favorite knife! Now you've done it!" Sabi nya habang hinihigpitan ang paghawak sa leeg ko.

"E-elica! H-hindi ako m-makahinga!" Sabi ko.

"Serves you right!"

"B-bakit ba? A-ano ba ang kasalanan ko sayo?"

"Gusto mong malaman? Ha?! Gusto mong malaman?"

Itinaas nya ako sabay bagsak pero hindi parin nya ako binbitawan.

"You Killed my Boyfriend!"

6;30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon