=Pahabol Chapter (Special)=

75 23 0
                                    

Halloween Special.

"Buti pa yung Halloween, special. Ako kaya, kelan ako magiging special sa buhay mo?" Char.

-------------------------------------------------------------
Eunice's POV:

Kasalukyan akong nasa graveyard. Hindi ito sementeryo dahil for you to know, nasa school pa rin ako.

Nasa likod ng school na ito ang graveyard na pinupuntahan ko. Ako lang ang tao dito at to be honest, it's kinda creepy. Ako lang ang nakakapasok dito sa graveyard na ito dahil ako ang humahawak ng susi dito.

Since ako lang naman daw ang natira sa section namin, ako nalang daw ang maghahawak ng susi dito BUT never tell anyone on what's happening inside.

Ewan ko kung bakit sinabi yun nung principal pero, BLEH! Like hell I would follow you!

Anyways, ang ganda dito sa graveyard na ito. Madamo at matahimik at mapayapa but don't be carried out dahil nakakatakot pa rin dito.

Gusto ko magpicture dito kaso natatakot ako na baka biglang may sumama sa picture ko. Huhuhu!

Nakaupo ako sa tapat ng grave ni Jayne. Hinaplos ko iyon at kinausap.

"Jayne, sana mapayapa ka na kung nasaan ka man. Wag na kayo maga-away-away dyan sa langit ah? Oops, nasa langit ba kayo? Hala, joke lang! Wag nyo ko dalawin classmates! Huhuhu!"

Ano nga kaya ano? Dalawin nila ako? Wag naman, please lang.

Bigla kong naramdaman na may nakatingin sa akin.

What the hell! Ang creepy! Help!

Umubob ako sa tuhod ko para walang makita pero biglang may sumitsit.

"Psst!"

Aaah! Nakakatakot na talaga promise!

"Ate! Uy! Papasok naman jan!"

Tumingin ako sa nagsalita. Isang batang babae.

Tumayo ako at dumeretso sa gate. Binuksan ko iyon at pinapasok yung bata.

Dumeretso sya sa puntod ni Jayne.

Ha? Bakit kay Jayne? Wait, don't tell me, sya na si...

"Excuse me lang bata pero, ikaw na ba yung kapatid ni Jayne?" Tanong ko.

"Opo. Ako po yun. Nagkahiwalay po kami eh pero sabi naman namin, babalik kami so she should wait for us but unfortunately, hindi na niya kami inabutan" sabi nya with a sad expression.

"I'm sorry to hear that" sabi ko sabay upo sa damo katabi nya.

"The name is Jade" sabi nya.

"Well, nice to meet you Jade" sabi ko sabay ngiti.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"Ate, ikaw po ba si Eunice?" Sabi ni Jade.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Ate, magiingat ka palagi ah?"

"Ha? Bakit naman? Pero thank you. Nagi-ingat naman ako palagi. Hehe"

"Maniniwala ka ba ate kung sabihin kong..."

"Na ano?"

"Nakikita ko sila?"

Wtf! Ayoko pakinggan ang kasunod na sasabihin nya pero ayoko naman mapahiya sya so go lang ako. Huhu.

"Oo naman. Bakit, ano ba nakikita mo?"

"Sila po" sabi nya sabay turo sa likod ko.

Nanindig ang balahibo ko sa takot. Seriously? Andito pa rin sila?

"Lumapit nga po sa inyo yung isang lalaki eh. Ethan po yata pangalan nya"

"Eh? Uy Ethan! Wag ka namang ganan! Natatakot ako!"

"Ate, ingat ka daw palagi, mahal ka daw po nya"

My heart melted. Ethan, why so sweet?

"Ate Jayne!" Sigaw nya sabay takbo sa dulo ng graveyard.

Sa dulo ng graveyard, may parang bahay dun pero parang lang dahil mga puno ang bumubuo dun.

Sobrang dilim dun!

Bigla syang napatigil sa pagtakbo at tumingin sa dereksyon ko.

Bigla akong nakaramdam ng malakas na pagtulak.

"Magingat ka Eunice! May nagtatangkang pumatay sayo!"

Biglang naglaho si Jade. Ha?

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko lahat ng kaklase ko noon! At... Kasama si Jade?

"Eunice, last na namin to so take care ah?" sabi ni Jayne na MULTO?

"Jade! Asan ka na?" Sigaw ko.

"Wala na si Jade. Matagal na syang namayapa Eunice. Mas nauna pa nga sya sa akin eh"

OH MY GOSH! EH SINO YUNG?

Nanlaki yung mata ako at napasambit nalang ako ng,

"Oh my gosh! I can see dead people!"

-------------------------------------------------------------
Hindi naman lahat ng Halloween special, nakakatakot. Ano ba. Hahahahaha! Anyways, parang special chapter lang ito. Thank you talaga sa pagbabasa! :* Happy All Saint's Day po! :)

6;30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon