Chapter 18- Farewell

93 29 5
                                    

Eunice's POV:

Ang tagal na simula nung hindi na ako pumasok. Kamusta na kaya sina Ethan at Jayne? Ligtas kaya sila? Buhay pa kaya sila?

Ay nako Eunice! Anong klaseng tanong yan?!

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Jayne.

*Beeep*

"The number you have dialled is busy at the moment. Please try to call later"

*Tooot*

Bakit di nya sinasagot? Aah! Jayne naman eh! Si Ethan kaya? Ayoko! Natatakot na ako sa kanya. After we've lost Elion, di na sya nagparamdam and I saw his evil side.

Nung next day nung kausapin kami ng principal, naaalala ko pa nun. Nakita ko si Ethan nung gabing pauwi na ako.

Nakita ko si Ethan... M-may... May... May sinasakal!

The truth is, Hindi na din ako pumasok because natatakot din akong mamatay! Dying is such a frightful decision!

Pero haharapin ko sila ngayon! Hahanapin ko si Jayne at sasabihing Baka si Ethan ang pumapatay sa klase.

Nagbihis na ako ng uniform. Syempre, para papasukin ako sa loob.

Ay lintek! Bakit ako papasok sa school kung ayaw nga din pala ni Jayne sa classroom?! Ang tanga mo Eunice!

Pupunta nalang ako ng bahay nya mamaya. Tama. Pupunta ako dun tutal, alam ko naman kung saan sya nakatira eh.

==6:30 pm==

Dumiretso ako sa bahay nina Jayne. Malapit lang ang bahay nina Jayne kina Amber kaya medyo kinilabutan ako.

Nasa tapat na ako ng bahay nina Jayne ng biglang umihip ng malakas ang hangin.

Shit! Kinikilabutan ako!

*Tok! Tok! Tok!*

"Jayne? Andyan ka ba? Jayne? Si Eunice toh!"

Moment of silence.

Nakita kong bukas ang gate nina Jayne.

*Thug dug. Thug dug*

Eunice. Gagawin mo ba yung mga nasa teleserye? Papasok ka ba ng walang paalam? Eunice, hindi yan ang turo sayo ng magulang mo.

Hinawakan ko na ang bukasan at binuksan ang pinto.

Eunice, naway mapatawad ka ni Jayne sa panghihimasok mo.

At yun, pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Malinis ang bahay nila. Isang palapag lang ang bahay nya gawa ng ang alam ko ay nasa ibang bansa ang mommy nya at yung bunso nyang kapatid. Yung bang nasa picture na nakita ko sa library noon.

Dumeretso ako sa kusina.

"Jayne? Andito ka ba? Pumasok na ako gawa ng bukas ang gate nyo. Jayne?"

Deretso pa akong naglakad at tinangkang buhayin ang ilaw kasi nga ang dilim.

Paghawak ko ng switch ay bigla akong may nahawakan.

Naramdaman kong tumindig ang balahibo ko.

"Aaahh!" Napa-sigaw ako bigla dahil... Dahil sa nakita ko.

6;30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon