Chapter 8.1 : Goodbye

20 1 0
                                    

Hello dears!

Dedicated po ang chapter na ito kay Hayila23!!!
Dahil sa inspiration ko sa kanya na magUD hehehe

Chapter 8

(Ziane's POV)

Haay... tapos na ang weekend. May pasok na naman. Kaya no choice ako kundi pumasok kasi ayoko bumagsak.

Pero ginaganahan naman akong pumasok dahil kay Hubby ko!

Hmmm... Pumasok na kaya siya? Mapuntahan ko nga siya sa room niya....

Lakad... Lakad.... Lakad.....

...

*BOOOOGSH*

"Ay sorry po ate hehehe V! Sige mauna na po ako gusto ko pong makita si Harold my lovesss!!!"

Ay? Nabangga ako tapos lalayasan lang ako? Ibang klase.

Teka...

Harold?

Ah baka heartthrob lang yun dito sa school. Pero wala naman akong kilalang heartthrob na Harold dito sa school namin eh.

Baka naman boyfriend nung babae? Tapos makikipagkita sa gate or what? Ah tama. Ganun nga.

Anyways, pupuntahan ko na si forever ko! Hihihi

Habang naglalakad..... Ayy... Naalala ko na naman yung pinag-uusapan nila Harold at Tristan.

Naku-curious talaga ako. Ano ba kasi yun at kailangan pang hindi ko malaman?

Ayy... Andito na pala ako sa building ng room ng hubby ko!

"HEY YOU!!!"

Ang ingay naman nun. Sa hallway pa talaga sumigaw?

"MISS NA MAY PINK NA BAG!!!"

Ako ba tinutukoy nun? Pero madami naman ditong may pink na bag eh. Baka iba naman yun.

At bigla namang nagbulungan ang mga tao sa hallway, karamihan ay girls

"Ang arte pa niya, tinatawag na nga siya ni Andrew loves eh!!!" - Girl 1

"Baka gusto siyang maging gf ni Andz! Omy kung ayaw niya magbuvolunteer nalang ako!" - Girl 2

"As if naman. Eh mas maganda pa ako dyan eh!" - Girl 3

At nag-away na sila, yung iba naman back to business na ulit. Eh sino ba kasing tinatawag nung Kuya na yun?

"ZHAMARA ISAVELLE NORWICHHH!!!!"

A-ako yun diba? Ako ang tinatawag nung kuya diba? Ano kayang kailangan niya? At sino ba siya?

Pagkalingon ko....

O_o

o_O

Tama ba itong nakikita ko??? O namamalikmata lang ako??

S-si Harold??? Andito sa school namin?? Paano siya napapasok ng guard?

Hindi kaya nanuhol or what?

At pinagkakaguluhan ng mga babae? Sikat ba siya?!

Aishh... Malapitan nga!

"Paano ka nakapasok dito?!" pambungad ko sa kanya.

"Mas mahalaga pa ba yun? Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Aray naman," sabay pa effect pang nasasaktan habang nakahawak sa dibdib. Aysus, pabebe.

Tapos nag- usap pa kami. At dito pa talaga sa hallway.

Nakakabagot namang kausapin 'to. Puro nonsense pinagsasasabi. Mapuntahan na nga si boyfie!!!

She and His Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon