(Ziane's POV)
"Bessie!"
Nandito na pala ang mga pwends (friends) ko. Nagsipasok sila pagkalabas na pagkalabas ni kuyang paharang-harang or just Harvey. Harvey nga ba? Alam ko Harvey eh. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Yung kiss. Ba't ko ba naisip yun? Pero infairness, sarap niya humalik ah... at ang gwapo pa. Siguro hindi ko alng napansin dahil sa inis.
Ziane! Ano yang iniisip mo? Bakit ka nagiging green? Thoughts, erase erase!
"Ziane, tulaley ka diyan?" sabi ni Jem. Hala oo nga tulala na ako.
"Best, sino yung gwapo kanina? New boylet mo? Good yan, at least no more manlolokong Tristan!
Hahaha!" sabi naman ni Karen. Eh? Paano naman napunta si Tristan sa usapan?"Wow, magandang balita yan! Ikaw Zam ha, naglilihim ka na samin! Di mo naman sinabi na break na pala kayo ni Tristan at may mas gwapong jowa ka na!" --- Tine. Eh? Hindi pa kami break ni Tristan! sino naman ang jowa ko?
Tinutukoy ba nila si Harvey? Sabagay, gwapo rin naman siya eh. Erase erase!
"Jowa? Sinong jowa?" clueless kuno kong tanong. May talent ata ako sa acting eh.
Nagtinginan sila na parang takang-taka at sumigaw, "Eh di si Harold!" sabi ko nga ba magaling ako umacting eh. Pero Harold daw? Ah tama naalala ko na Harold pala yun, hindi Harvey. At least parehong nagsisimula sa 'Har'.
Huminga nalang ako ng malalim at nag-explain "Hindi ko yun BF. Nakilala ko lang yun kanina at nakausap. Tapos siguro nakita niya ako at dinalaw ako. Wag masyadong malisyoso ang isip ah?" at ayun parang na-disappoint sila.
"Tss. Akala ko pa naman," sabi ni Gela. Kanina andito rin yan, pero masyado siyang pipi kaya tahimik. Pag nagsalita naman yan, five words ang maximum madalas. Pag lecture lang yata nakaka-bente. Pero at least nagsasalita parin siya. :)
"Osya, sabi nung nurse pede na daw ikaw lumabas," ---Tine
Lumabas na kami. Nakaabang pala sa amin ang mga coaches. Kinabahan ako. Pero wala, ni hindi ako napagalitan. Walang imik-imik kaming lumabas sa contest venue at sumakay sa coaster namin. Pero nabigo ata ako.
"Ziane, what happened? Bakit second ka lang? Ziane naman, sana inisip mo manlang kami ng principal! Hindi baa sinabi ko na sayo na pwedeng masira ang kinabukasan ng mga anak namin pa hindi nag-first place? Tatanggalin kami sa trabaho! Buti sana kung mababawasan lang ang sweldo namin," sabi ni Teacher Jenn, coach ko.
"Ma'am sorry po. I did my best naman po eh, hindi lang siguro kinaya. Kakausapin ko nalang po si Dad na wag kayo i-fire," tanging naisagot ko nalang.
Pagkatapos nun, natahimik na ulit sa coaster.
*After 1 hour*
Nakabalik na kami sa school namin pagkatapos ng biyahe. Ngayon hinihintay ko ang sundo ko. Nagulat ako nang may tumakip sa mga mata ko. Mukhang kilala ko na kung sino.
"Hubby! Alam ko ikaw yan," --me
"Yes Wifey *tinanggal niya yung pagkatakip sa mga mata ko* did you miss me?" tanong niya. Tapos bigla niya akong hinalikan. Smack lang nman. Kinilig naman daw ako. ^__^
"Hubby I missed you talaga! Na-miss mo rin ba ako?" tapos ki-niss ko siya sa pisngi. Ang bango talaga ng Hubby ko!
"Of course Wifey," at inakbayan niya ako, "Let's go."
Pinuntahan namin yung kotse niya. Oo nga pala, di ko pa pinapakilala ang gwapong nilalang na nasa tabi ko ngayon. Siya si Tristan Kyle Hererra, ang aking gwapong gwapong ever-loving sweet boyfriend! Sobrang loyal niya sa akin! At sobrang possessive niya! Kaya love na love ko siya eh! At di lang yan, varsity siya sa basketball, Math Wizard of the Year palagi, at madaming admirers kaya super lucky ko na ako ang pinili niya! Paano kami nagkakakilala? Simple lang naman, yung karaniwang mababasa mo sa Wattpad? Yung mababangga ni girl si boy at magkaka-inlove. Yun na yun.
Back to reality, pinuntahan nga namin yung kotse niya. At nakasalubong namin ang isang clown, I mean, isang babaeng mukang clown dahil sa kapal ng make-up, matangkad dahil lang naman sa taas ng heels at oversized ang kanyang fake boobs. Tiningnan niya si Tristan at ti-nry niyang i-seduce. Che! Hindi mahilig si Hubby sa mga fake! at nilagpasan nalang namin si clown.
Pumasok na kami sa kotse niyang Ferarri. Tapos pumunta na kami sa secret place!
(Karen's POV)
Hello po! Ako si Karen Antonette Enriquez, ang beloved bestfriend ni Ziane! At sobrang grate ful po ako kay Ms. Author dahil binigyan niya ako ng POV! At dahil POV ko na, magsimula na tayo okay?
Naglakad-lakad ako sa mall. Wala kasi akong magawa, busy yung mga pwends ko sa lovelife. Si Gela sana yayayain ko pero puro aral nalang ata kayang gawin nun eh. Kaya eto ako ngayon, flying solo. Huhuhu what's wrong with me ba? Maganda naman ako kahit papaano. Pero bakit walang naliligaw sa akin? huhuhuhu.
Dahil bored na ako dito, uuwi na ako. Pumunta ako sa parking lot ng mall. Nadaanan ko ang isang familiar na kotse kaya na-curious ako at tiningnan ko ang loob. At nagulat ako.
Si Tristan, boyfriend ni Ziane, may hinahalikang unknown species sa loob ng kotse.
Haay. Naiisip niyo siguro dapat sabihin ko ‘to kay Ziane. Pero ilang beses na akong nakakita ng ganito at sinabi ko kay Ziane pero hindi naman siya naniniwala eh.
Siguro dapat siya nalang mismo ang magdiscover.
End of Chapter 4
-------------------------------* :)

BINABASA MO ANG
She and His Broken Heart
Novela JuvenilZiane Norwich is happily living with her very bestfriends and her "loving" boyfriend, but not until he meets Harold Yambao, a famous hot casanova from their rival school. Would her real adventure in love finally start? Or their paths are just really...