(Ziane's POV)
Saturday ngayon. Today is freedom day at walang assignments kaya gusto kong lumabas!
Sino kayang pwedeng yayain? Ah, alam ko na!
Siguro naman free siya ngayon, nuh? Hihihi excited ma ako kahit hindi ko pa siya niyayaya! *u*
Dialing Ang Forever Ko....
Hulaan niyo kung sino yan? Sino pa ba, edi si Hubby ko! Hihihi ganyan din caller ID ko sa phone niya eh. Syempre sweet siya eh!
Nakakatatlong ring na pero hindi pa niya sinasagot?
"Hello babe--- I mean Wifey! Ba't ka napatawag?" yess sinagot niya na! Pero ano yung babes? Ah baka wala lang yun.
"Hubby, pwede date tayo ngayon? I feel bored eh! Hihihi!" --me
"Wifey sorry pero may business ako today eh. Tsaka nag-date na rin naman tayo kahapon diba?" --siya
"Ghe na nga Hubby," malungkot kong sagot.
"Wifey, don't be sad. Babawi ako bukas,"
"Okay, babye! I love you!" --me
Call ended
Anubayan binaba niya eh hindi pa nga siya nag-i love you! Kainis naman.
Pero ang bata pa niya para mag business, ako nga hindi pinagbibusiness ni Dad kahit medyo nahihirapan sila ni Mom. :'(Pero bakit kaya kanina nagkamali siya ng endearment sa akin? "Babe---I mean Wifey!"
*tok tok tok*
Ay oo nga pala andito ako ngayon sa kwarto ko. Wala kasi akong magawa sa baba. Ang boring dun eh.
"Pasok," walang gana kong sabi dun sa sinomang kumakatok.
Bumukas yung pinto ko at pumasok si Ate Nicah, yung yaya namin na college student at ka-close ko. Siya lang kaya yung bestfriend ko sa lahat ng yaya namin! Yung iba kasi plastic kila Mom, at sa tingin ko si Ate Nicah lang yung totoo.
"Ma'am Bebe Ziane, you sound sad po? Ano pong nangyari?" kaya siya lang yung nagustuhan ko sa kanila kasi pag nag-aalala siya sincere talaga siya at hindi plastic.
"Ah wala lang 'to Ate. Bakit po pala kayo pumunta dito?" sinabi ko nalang kasi ayokong nag-aalala siya eh may trabaho pa siya.
"Andun po sa baba kasi sila Ma'am Karen," --Ate Nicah
Tumango ako at umalis na siya. Bakit kaya andito sila? Malaman nga.
Nagpulbo lang ako at bumaba. Hindi na kailangan ng bihis at make-up dahil alam kong kahit anong suot ko, maganda pa rin ako. Nagpolbo lang ako dahil ayokong mapawisan. Yuck kaya yun!
Nang makababa ako, nadatnan ko sila sa sala na nanunuod ng Spongebob na CD ng kapatid ko habang nilalantakan ang cookies na inihanda ng mga iba naming maid. Hindi na ako nagulat dun. Sanay na ako na nagmimistulang palengke ang sala namin/ko. Buti nga cookies lang hinanda nila eh. Kung popcorn yun o cornick, malamang 30% lang nun nakain nila at yung 70% ay ikakalat nila sa sala gawa ng pagbabatuhan -_-
Pero oh well, papel maids ko rin naman ang mahihirapan maglinis at hindi ako. :)
"Hi Ziane! May pupuntahan tayo pero change outfit muna bago namin sabihin!" pambungad ni Karen.
Parang trip ko ata mambara ngayon ahh...
"Bakit sinabi ko bang sasama ako?" sabi ko naman. Sabi ko sa inyo trip ko mambara eh, ayan na. Ako ata si Pambara Princess eh!
"Eihhh! Alam ko naman na sasama ka eh! Dali na, palit outfit na," sabi niya. Sus, if I know, pahiya yan sa pambara skills ko eh! Galing ko kasi.
Para hindi siya masyadong mapahiya at dahil may ginintuang puso ako, sinunod ko siya at nagpalit. Napansin ko na lahat sila naka-jeans at T-shirt lang. Pwes, humanda sila pagkalabas ko!
*10 minutes later*
Humarap ako sa salamin. Suot ko ang isang dress na above the knee na kulay blue. Naka-heels rin ako na 4 inches ang takong. Pulbo lang ulit ang sa face ko dahil hindi na kailangan ng makeup para gumanda dahil maganda na talaga ako.
Lumabas na ako. Nakita naman na amaze na amaze sila. Natural lang yun, maganda ako eh. Mas maganda pa ata ako kay Aphrodite.
Nagkotse kami at gulat ako nang bumaba kami sa tapat ng isang school. Springfield's Academy. Ito ang rival school namin. At ano namang ginagawa namin dito? Well, siguro para ipakita sa mga students dito na mas magaganda ang mga taga-Norwich Academy.
School fair pala dito. Yun bang maraming nagkalat na booths? Yun. Mga gaya-gaya talaga. May ganyan din sa school namin eh, pero di hamak na mas boring yung kanila. Tss.
"Oh ano na girls, hiwa-hiwalay na. See you around!" narinig kong sabi ni Karen.
Nilingon ko sila at napansin kong wala na sila. Okay na rin, at least mapapagsolo ako.May naka-attract sa mga mata ko. Isang booth na bagay sa akin. Maldita booth. Pupuntahan ko nga.
"Miss, sumama ka sa akin ngayon din!" at hinila ako nitong anonymous na nasa harap ko.
Sino ba ito at bigla nalang nanghihila?Pinilit kong pumiglas pero ang tigas ng pagkahawak niya. Ang sakit hah! Ni hindi ko nga kilala 'to eh! At isang beses na akong natatapilok kasi tumatakbo kami at worse, naka
4-inch heels ako! Mapipilayan ako nito eh!Tumigil kami sa tapat ng... marriage booth. WTF. Seriously? Magpapakasal kami dyan eh hindi ko nga siya kilala!
Hinila niya ulit ako sa isang maliit na kwarto naman sa likod lang ng booth at andun naman ang tatlo pang babae na hindi ko rin kilala. Binihisan nila ako ng isang puting dress na medyo below the knee na may konting beads. Pinusod naman nila yung buhok ko at nilagyan ng parang tiara ata na may nakakabit na veil. At pinahawak nila sa akin ang isang bouquet ng red roses. Ang bango. Bago kami lumabas tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga, at mukha talaga akong bride.
Dinala na nila ako sa aisle. Dahil malay pa ako sa altar-altaran, hindi ko masyadong nakita yung broom este groom idagdag mo pa na nakatagilid yung face niya. Naglalakad na ako. Nagsimula naman kumanta yung mga choir kuno ng A Thousand Years. Mas magaling pa ata ako eh. Wala talagang binatbat sa amin itong school na 'to.
Nang malapit na ako, medyo naging familiar sa akin yung groom na nakatagilid parin yung mukha. Parang nainis naman ako.
Nakalapit na ako sa altar. Lumingon na yung groom. At Gulag na gulat ako. As in.
Groom ko si Harold a.k.a. Kuyang Paharang-harang? Binabangungot ba ako? WTF!
Medyo nagulat rin siya at agad namang naging normal ulit. Nagsimula na ang kasal. Putek na yan. Nakakaantok naman magsalita si father kuno. Tsk. Lalo tuloy akong nabadtrip.
At ayan na, ang pinakaiintay na part, ang exchange of vows.
"Do you, Harold Yambao, take Zhamara Norwich to be your lawfully wedded wife, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, until death do you part?" tanong ni father.
"I do," ngiting ngiting sabi ni Harold.
Tinanong rin ako ni father at um-oo ako. At nagpalitan na rin kami ng singsing. Yung singsing namin, yung plastic lang na tigpipiso sa kanto.
"Congratulations. Groom, you may now kiss the bride," announce ni father. Putek, kiss the bride na pala!
Tumingin muna ako sa audience. Lalo akong kinabahan nang makita kong nanunuod sila Karen. Patay.
Lumingon ako kay Harold. Yung mga mata niya diretso ang tingin sa mata ko habang lumiliit ang distansya ng mga mukha namin. Paliit ng paliit... 3 inches... 2 inches... 1 inch.... napapikit nalang ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
At tuluyang naglapat yung mga labi namin. Ang lambot ng mga labi niyang kasalukuyang gumagalaw. Tu
![](https://img.wattpad.com/cover/58204937-288-k47063.jpg)
BINABASA MO ANG
She and His Broken Heart
Fiksi RemajaZiane Norwich is happily living with her very bestfriends and her "loving" boyfriend, but not until he meets Harold Yambao, a famous hot casanova from their rival school. Would her real adventure in love finally start? Or their paths are just really...