(Ziane’s POV)
Siguro naman hindi para sa akin ‘yung flowers ‘no? Baka may girlfriend siya tapos taga-dito, tapos bibigyan niya ng roses. Nagkataon lang siguro na nakita niya ako tapos lumapit siya para mag-Hi.
“Ah... Hello!... Sige may p-pupuntahan pa a-ako, b-bye!” kunwaring natataranta kong sabi at nagsimula na akong tumakbo papalayo.
Pero hindi pa ako nakakalayo, nahawakan na niya ang kanang wrist ko kaya napatigil ako.
“Ang bastos mo. Binibigyan ka nga ng bulaklak tapos ikaw pa ‘tong aalis? Ayos ka rin ah,” nakabusangot niyang sabi.
Ano daw?
Binibigyan niya ako ng bulaklak?
-Flashback-
“Hi, Zhamara Isavelle Norwich. It's me, Harold,” ang nakangising wika ni Harold habang ako naman ay nanatiling tulala at naka-istatwa sa kinatatayuan ko.
Mula sa likod niya ay naglabas siya ng...
“Yellow roses for you.”
-End of flashback-
Waaaaa! Oo nga pala, para sa akin ang mga ‘yun. Pero bakit niya naman ako bibigyan?
Magsasalita na sana ako nang mapanganga ako dahil bigla niyang inihagis sa kawalan ‘yung bouquet ng roses. Walang sali-salita ay hinawakan niya ‘yung wrist ko at hinila ako sa kung saan.
Namalayan ko na lang na nasa parking lot pala kami.
“Sakay,” utos niya nang buksan ang isang pulang sports car na sa tingin ko ay kanya. Mukha naman siyang mayaman kaya I'm sure na kanya ‘yan.
Pero may kotse rin ako!
Magrereklamo dapat ako pero nagalit agad siya, “I called your driver to pick up your car. Now, sumakay ka na,” at wala akong nagawa kung hindi sumakay.
Bale sa driver's seat siya at ako naman ay sa passenger’s seat.
“Saan naman tayo pupunta, aber?” pagtatanong ko nang umandar ang kotse. Hindi naman yata pwedeng siya lang ang nakakaalam ng patutunguhan namin. Hihila-hilahin niya ako tapos wala siyang sasabihin?
“Hahaha, basta. Manahimik ka muna,” bahagya siyang nakangiti at diretso ang tingin sa daan habang nagsasalita. Kaysa makipag-away, nanahimik na lang ako dahil baka maaksidente kami, minors pa man din kami.
*****
“Sorry nga pala dati ah, hehe,” parang nahihiya niyang sabi tsaka kamot sa ulo.
“Okay lang ‘yun, wala na rin naman tayong magagawa eh. Nangyari na ang nangyari,” natatawa kong sagot.
Sasagot pa sana siya nang mapansin naming may lumapit na waiter, dala-dala ang isang tray na malamang ay laman ang mga inorder namin. Sunod na inilapag nito isa-isa ang bawat plato, sa harapan namin.
Oo nga pala, dinala ako dito ni Harold sa isang restaurant, treat niya raw. Pambawi niya lang raw sa nagawa niya noong DSPC, tsaka sa nangyari sa Marriage Booth ng school nila.
Well, pumayag na rin ako kasi mukhang nag-effort talaga siya, to think na sa isang high-end restaurant niya pa ako dinala.
“Pero ang galing mo ha. Nakaabot ka na dati ng National? Cool! Pero I didn't see you there,” panimula niya ulit pagkaalis nung waiter.
BINABASA MO ANG
She and His Broken Heart
Novela JuvenilZiane Norwich is happily living with her very bestfriends and her "loving" boyfriend, but not until he meets Harold Yambao, a famous hot casanova from their rival school. Would her real adventure in love finally start? Or their paths are just really...