(Ziane's Point of views)
The flagpole of BCIS, is standing ---- Arrggghhh! Ang hirap naman magconcentrate eh!
Eh bakit ba ako nahihirapan?
Eh bwiset naman yung kuyang paharang-harang na yun kasi eh! Naiinis ako! Yun bang pag hindi ka na nakapagtimpi maipi-flip mo yung lamesang nasa harap mo, maihahagis mo kung ano man ang mahawakan mo o masasakal mo yung katabi mo?! Yun kasi yung nararamdaman ko ngayon. Kaya lang tinitiis ko kasi nakakahiya naman dito sa mga katabi ko baka maistorbo. Kaya eto ako ngayon at mukhang natataeng ewan na nagmumukha nang tanga sa mga katabi/kalaban ko.
5 minutes later...
Hay salamat naman at successful ang operation kong magpakalma. Kaya back to work na ako
"Five minutes left," sabi nung proctor.
Ok---huwaat?! Five minutes nalang? So mahigit 10 minutes rin pala akong nainis dun kay ano ?
Natataranta na akong bumalik sa trabaho at Basta lang ako sulat ng sulat Basta may maiprisinta sa judge.
At natapos rin naman ako.
Binasa ko siya at sa tingin ko wala na ditong grammatical, typographical at kung anu-ano pang uri ng errors. So pinasa ko na siya sa proctor.
Paglabas ko ng contest room naeewan na naman ako. First time 'to. Sa tanang buhay ko sa photojournalism, ngayon ko naranasan ang kabahan ng ganito paglabas ng contest room. Dati naman confident ako palagi. Kahit nung first ko palang nung grade 6 hindi ako kinabahan. Bakit kaya?
Ah wala. Siguro dala lang 'to ng pagkainis ko dun sa kuya.
Siguro nga. Siguro.
At napatigil lang ako nang may mabunggo ako.
"Sorr---what?!"
Napatigil ako sa pagsosorry nang ma-realize ko kung sino ang nabunggo ko.
At automatic na si-akyatan lahat ng dugo ko sa katawan sa ulo ko.
Dahil ang nabunggo ko ay ang lalaking kanina pa ginugulo ang isip ko.
"Ikaw?!" sabay pa naming sabi.
Sa lahat ba naman ng pwedeng makasalubong eh siya pa? Anak naman ng tinapa oh!
"See you around. But next time, watch where you're going, Miss Norwich," at nilayasan niya na ako.
Aba! Bastos na lalaking yun ah! At ako pa talaga ang may kasalanan na nabunggo ko siya? Nakakaasar na siya ah!
At bakit alam niya ang apelyido ko?
Pero sabagay, anak nga pala ako ng mayamang business tycoon. Kaya imposibleng hindi niya ako kilala.
Pagkatapos ng insidenteng yun, bumalik na ako sa classroom na naka reserve samin.
(Five hours later)
Mag-a-awarding na. Excited na excited kaming lahat. Sigurado hakot na naman ng school namin ang lahat ng first place. Aba syempre! Priority sa amin ang journalism at talagang magagaling ang advisers kaya malabong hindi kami mag champion lahat.
Pero ano 'tong nararamdaman ko? Kaba?
Hindi! Imposible naman yun. Ako, four straight years na nag-first place sa Municipal, Division, Regional at National, kakabahan? Sa panaginip lang yun mangyayari uy.
"For photojournalism English 2nd place, Zhamara Isavelle Norwich!"
Ok, what was that?
"Z-ziane?"
"What the hell? 2nd place ka lang?!"
The next thing I knew, nagdilim ang paningin ko at nahulog ako sa kinauupuan ko.
...
"Best, gising ka na oh. Kinakabahan ako sa'yo eh!"
"Zam, gising na. Ok lang yan, RSPC ka pa rin naman eh,"
"Wag ka nga maingay!"
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay. Tapos nakita ko, nakapalibot sa akin ang mga kabarkada ko.
"Asan ako?"-ako
"Ulul. Wala ka sa movie para mag-'asan ako' line," sabi ni Tine, isa kong barkada.
"Nahimatay ka kanina," sabi ni Jem, yung isa ko pang ka barkada.
Nahimatay ako? Bakit kaya?
"Oh, ito na medal mo. Ok lang yan, at least RSPC ka pa rin,"
Huh?
Pinagmasdan ko nalang yung medal ko. At nagulat ako sa napansin ko.
Silver. Hindi kaya--?
At gumuho ang mundo ko sa nakita ko.
"Divisional Schools Press Conference -- 2nd place"
Hindi kaya pinaglololoko lang ako mga 'to?
Baka nga. Kaya tiningnan ko yung likod. Pero totoo talaga.
"Photojournalism English"
Inalala kong mabuti yung mga nangyari bago ako mapunta dito. 2nd place. Photojournalism English. Zhamara. Norwich.
At may biglang tumulo sa pisngi ko.
"B-bakit? Bakit k-kai-l-langang
m-mang-y-yari 'to?"Niyakap ako ni Karen, yung pinaka bestfriend ko sa barkada, "Sshhh, ok lang yan bessie, RSPC ka pa rin naman eh. Ok lang yan. Babawi ka naman sa RSPC di ba?" pag e-encourage niya.
"Nung grade 4 at 5, sanay ka matalo, ngayon pa kaya? Actually hindi ka nga natalo eh, 2nd place lang," sabi ni Delle.
Kasalanan 'to ni kuyang paharang-harang! Kung hindi niya sana ako ininis, malamang first place ako! Nakakainis naman eh!
"Ziane, may dalaw ka. Sige maiwan muna namin kayo,"-Jem
At may pumasok. Di ko siya tiningnan kasi busy pa ako magluksa sa "pagkatalo" ko.
...
Author's note
Hello po! Sorry po lame and late update! Busy po kasi ako sa school. XD Minsan naman pag ita-try ko mag update, mabagal ang net kaya ngayon lang ako nakapagpost. :( Babawi nalang po ako next time! ^__^
Happy reading! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/58204937-288-k47063.jpg)
BINABASA MO ANG
She and His Broken Heart
Ficção AdolescenteZiane Norwich is happily living with her very bestfriends and her "loving" boyfriend, but not until he meets Harold Yambao, a famous hot casanova from their rival school. Would her real adventure in love finally start? Or their paths are just really...