Ika-dalawampung Kabanata
"T-Teka. Hindi ito ang daan patungo sa bahay?" puna ko nang matanaw na ang daang dinaanan namin kanina galing sa bahay ay nilagpasan niya. Nakakunot ang aking noo na lumingon sa kanya. "May masama ka bang balak ha? B-Buntis ako," ani ko.
Napailing siya saka tinawanan ang sinabi ko.
"Seryoso nga! May masama ka bang balak ha? Ano ba talaga ang ipinunta mo dito sa San Fernando?" napakapit ako sa aking seatbelt. Tumawa siyang muli kaya nasapak ko na siya sa braso. "H-Hindi ako nagbibiro sa tanong ko ah. Talagang natatakot na ako dito."
"Diba nga sinabi ko na ang balak ko?" aniya at saka napakagat sa ibabang labi. Saglit niya akong nilingon. "Na magpapakasal tayo kaya ako nandito sa San Fernando."
"H-Hindi ako naniniwala sa'yo," iling ko saka tumingin sa labas ng kotse. Natanaw ko ang naglalakihang mga tanim na mais ng mga magsasaka. Palay naman ang tanim sa sumunod na lupa.
Tinigil niya ang kotse sa sumunod na lupain.
"Anong gagawin natin dito?" nilingon ko na siya. Nagkibit-balikat siya saka nilapit ang mukha niya sa akin. Umiwas ako saka siya ngumisi. Bumaba ang tingin niya sa aking labi kaya napatingin na rin ako sa labi niya.
May nabasa pa naman akong article that pregnant women have soaring sexual hormones. Oh my God! Is this it? Gusto kong umiwas pero ayaw makisunod ng ulo ko. Napalunok ako nang kinagat niya ang kanyang ibabang labi.
I blinked when his lips touched mine. Ang bilis! Gusto ko pa!
I heard something clicked and he playfully pinched my nose.
Agad syang lumayo sa akin at naramdaman kong lumuwag ang aking seatbelt. Tinanggal niya lang ang seatbelt ko!
"C'mon!" nauna syang lumabas ng kotse. Nakabusangot akong lumabas nang salubungin niya ako.
"Iritable ang mga buntis," tawa niya.
Gusto ko syang sapakin sa pinagsasabi niya pero nanatili lang akong nakairap sa kanya. Nauna na akong naglakad sa kanya. I was thinking what happened in the morning that made me come with him in this place. Yeah, sure enough, he asked for my forgiveness pero wala naman akong sinabi na pinapatawad ko na siya. Nag-assume lang siya at agad akong dinala sa check-up tapos dadalhin niya ako dito. Hindi naman siguro 'to date no?
Before I even assess something on my head, I felt his hand on mine.
Nilingon ko siya. Nakangiti lamang siya habang hinahawakan ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak at nasilip na may hawak syang malaking basket sa kabilang kamay.
"Para sa'n yan?" nguso ko sa basket.
"Picnic tayo? Ganda dito e," ngiti niya at tinanaw ang malalaking puno ng mangga sa unahan. Wala akong nagawa kundi tumango.
Kung date nga ito ay pagbibigyan ko ang sarili ko. Gusto kong maramdaman kung paano na ba magmahal ang Klaus ngayon. Noon naman kasi ay ginagawa rin namin ito, nagdedate kami sa may ilog o sa may batis o di kaya ay sa may burol. Simple lang ang mga date namin noong high school pa kami.
He settled a red checkered cloth on the grassy field in between two mango trees.
Tiningala ko ang puno ng mangga at naglaway sa malaking bunga na nakita ko doon. Ugh! I'm craving!
"Do you want mangoes?" nilingon ko siya.
Nakatingin rin siya sa bunga ng mangga. Dahan-dahan akong tumango.
"Okay, wait. I'll get that for you."
Ang navy blue nyang polo shirt ay kanyang hinubad.
"B-Ba't ka naghuhubad?" tarantang tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Girl You Should Not Love (The Girl Series 1)
Fiction généraleHe left me. No, I pushed him away. He hurt me. No, I stab him at the back first. He still love me. No, I still love him. He hates me. True. Because I'm the girl you shouldn't love. ... The Girl Series #1 "Anya Danielle Amora" Category: General Ficti...