Ikalabing-pitong Kabanata

13.7K 276 12
                                    

Ikalabing-pitong Kabanata

Lumubog na ang araw nang dumating ako sa bus terminal ng San Fernando. Malapit lang naman dito ang kinatitirikan ng bahay namin noon kaya ayos lang kung lalakarin ko. Pero biglang nag-echo ang boses ni Xyriel sa aking isipan. Do not strain yourself. Kaya napagpasyahan kong mag-tricycle na lamang.

"Anya ..." nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Isang may katandaang babae na may hawak na bayong at iilang supot ang tumawag sa akin. "Ikaw nga, hija," ngumiti ito sa akin pero unti-unti rin iyong napawi. "N-Nagbalik ka dito sa San Fernando."

"P-Po?" litong tanong ko sa kanya. Sa totoo ay nakilala ko ang kanyang mukha pero hindi ko matandaan ang kanyang pangalan. Hula ko ay kaibigan siya ni mama noon. "Mawalang-galang na po, sino nga po ulit kayo?"

"Ako 'to si Norma, iyong kapitbahay ninyo dati. May kasama ka ba? Ang mama mo? O si Marcus?" panay ang lingon nito sa aking likuran at sa iilang tao. Umiling ako at magalang na ngumiti.

"M-Mag-isa lang po ako," lumingon din ako sa aking likuran. "M-May problema po ba?"

"W-Wala. Papunta ka ba sa bahay ninyo?" tumango ako bilang sagot. "Sabay na tayo, pagabi na rin at mukhang ..." bahagya syang tumingin sa aking tiyan. "May asawa ka na ba, hija?" Ngumiti ako at umiling. Tumango siya, "Ah, ganoon ba. Oh sige, halika na. May tricycle nang parating."

Wala masyadong nagbago sa San Fernando maliban sa inaspaltong kalsada at iilang matataas na apartment na aking nakikita. Iyong likuran ng bahay namin ay isa pa ring malawak na maisan kagaya ng dati. Kahit ang nakapilang matatayog na puno ng niyog ay naroroon pa rin.

"Ito po ba iyong bahay namin?" lito kong tanong kay Aling Norma nang mapansin na concrete at two storey na ito ngayon, may maliit na balkonahe at may gate na. Malayung-malayo sa dating gawa sa pawid, isang storey, walang gate at sobrang simpleng bahay namin dati.

"Oo, pinaayos ito ni Lualhati, iyong kapatid ni Marcus. Siya ang tinalaga nilang caretaker nitong bahay. Kaya lang ay nasa Mindanao daw si Lualhati ngayon. May susi ka ba riyan?"

"A-Ah ... opo, mayroon po," maikling sagot ko at lumapit sa gate.

"Ah eh ... sige, hija. Maiwan na kita, mag-iingat ka." Humingi ako ng salamat sa kanya at saka pumasok na sa bahay. Nakakapanibago, dahil wala na itong kahit anong bakas ng bahay namin dati. Maliit pa rin naman pero napakaayos na ng mga gamit sa loob. Kahit ang mga muwebles ay nagbago na rin. May LCD tv na nakakabit sa dingding ng sala, may couch, sofa at saka center table. May isang cabinet rin na puno ng iba't ibang dvd at saka pocketbooks. Nabatid kong inalagaan talaga itong mabuti ni tita Lualhati.

Sa taas ay may dalawang kwarto at isang common bathroom. Ang master's bedroom ay may floral king size half-tester bed, katamtamang walk-in closet at saka sariling banyo. Pinili kong doon ilagak ang aking mga gamit saka inikot ang iba pang parte ng bahay. Walang laman iyong ref sa kusina kaya mukhang kakailanganin kong pumunta sa bayan bukas upang mamili ng makakain. Wala namang problema sa mga gamit pang-kusina dahil kumpleto ang mga ito at lahat ay gumagana naman.

Binuksan ko ang tv sa sala saka tinignan ang aking cellphone. May text galing kay Xyriel at iilang texts at missed calls galing kay Ivan.

From: Xyriel

Don't forget to eat. Okay?

From: Ivan

Male-late kba? Are u okay?

From: Ivan

Anya, okay ka lng ba? Drating kba after lunch?

From: Ivan

The Girl You Should Not Love (The Girl Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon