Ikawalong Kabanata

13.7K 342 17
                                    

Ikawalong Kabanata

I spent the following weeks in the OJT and reviewing for the upcoming finals. Sinabay ko na rin iyong application ko to graduate for honors. Bukas ay ipapasa ko iyon sa dean kapag na-print ko iyong unofficial TOR ko. I can say that I worked really hard. Hindi ko sinayang ang ginastos ni tita Feline sa pagpapa-aral sa akin. Ang sakripisyong aking ginawa na lumuwas dito sa Manila at magpakupkop sa kanya, ang kabutihang bukal na ibinigay niya sa akin at ng pamilya niya kahit pa man patay na ang kapatid niya - na papa ko.

At hindi na rin ako nagbalik doon sa opisina ng dealership. Baka matiyempuhan ko pa na si Klaus na naman ang nagmamaneho sa mga truck. Nagpapasalamat nga ako na hindi na siya kadalasang pumupunta doon sa bahay. Siguro ay pumupunta minsan pero the universe is conspiring for us not to meet. Thank you, heavens.

"I'm missing the bar, A," nakahalumbaba si Xyriel sa mesa ng Coffee Bean. Sa mall na naman namin naisipang magkita pagkatapos ng OJT. Helga snorted at her. "Nami-miss ko na rin si Khyrie. Asan na ba ang babaeng iyon at bakit hindi na sumasama sa atin?" Bigla siyang ngumisi sa akin at nagtaas-baba ang kilay. "Sure ako si Thunder ang dahilan kaya hindi na siya sumasama sa atin."

"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko habang hina-highlight iyong notes ko sa Rizal subject ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ngayong graduating na kami ay saka pa nagka-subject ng ganito.

"Wala ka kasi nun eh, hindi ka sumama nun sa Tazza eh. Naabutan ni Thunder si Khyrie na sobrang lasing doon sa couch namin, aba, pagalitan ba naman ako ng bruho, porke't ako daw ay bad influence sa kaibigan ko." Umikot ang mata niya pagkasabi ng bad influence. "Kung hindi lang ako hinawakan ni Blaze, nasapak ko ang lalaking iyon. Damuho siya! Akala niya naman hindi ko alam na siya ang dahilan kaya naglasing si Khyrie nun. You know what? We should really have a girls' night out to catch up."

Sumang-ayon si Helga sa suhestiyon ni Xyriel at nanahimik lamang ako. Bandang alas-cuatro ay lumabas kami mula sa coffee shop kasi gustong mag-shopping ni Xyriel nang bagong mga make-up, gusto niya daw talaga i-achieve iyong perfect kilay and lips goals. Pumasok kami sa department store at saka nag-ikot-ikot sa women's section.

Hindi naman kasi ako mahilig sa make-up talaga. Tamang foundation at konting lipstick lang talaga ang alam ko. Ni hindi ko inaahit sa tamang hulma ang kilay ko, nakakatakot kayang masugatan roon. Nagtingin-tingin lamang ako ng face mask at saka iyong mga flavored na lip balm para malibang habang namimili sina Xy at Helga.

"Anya ..." nilingon ko ang pagtawag ni Xyriel sa akin. Pabulong iyon at nakayuko pa siya na parang may pinagtataguan sa ibang dako ng aisle.

"Oh? Tapos ka na bang mamili ng make-up? Nasa'n na si Helga?"

"Sshh, wag kang maingay."

"Bakit? May pinagtataguan ka ba?" takang tanong ko nang may mapagtanto. "Wait, nandito ba si Blaze? At may kasamang babae?"

"Hindi, gaga."

"Ako pa ang mukhang gaga? Ikaw nga ang mukhang ewan dyan eh," ani ko at marahan syang sinapak sa braso.

Umismid lamang siya at tinitigan ako. "Wala ka talagang kahit anong arte cells sa katawan." Binuksan niya iyong lipstick na hawak niya sa kabilang kamay at nilagay sa labi ko. Nakita kong pula iyon.

"A-Ano bang ginagawa mo?" pinalis ko ang kamay niya.

"Ayan tuloy, na-smudge na. Wag ka ngang magulo," pinagalitan niya ako at pinalo sa braso. Para kaming nag-aaway sa estado namin ngayon dito. Baka akalain ng saleslady na shoplifter kami, wag naman sana. Kumuha sya ng wet tissue at hinila ako palayo sa mga aisle ng make-up, nakatayo na kami ngayon sa hanay ng mga fitting rooms. Kinalkal niya iyong bag ko at kinuha ang foundation ko.

The Girl You Should Not Love (The Girl Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon