Epilogue

21.8K 483 32
                                    

EPILOGUE

"Sabi mo ako lang, ha? Sabi mo sa vow mo, hindi ka mambababae kasi ako lang talaga! Napaka-sinungaling mong Lazaro ka! Para kang pulitiko, mabuti lang sa simula!"

Tumawa ako nang hindi siya tumigil sa pagsapak sa akin.

"'Wag mo akong tatawanan! Naiinis ako sa'yo! Sobra-sobrang inis na sa labas na kita patutulugin!"

Tumatawa pa rin ako kaya nakapa-meywang na siya sa harapan ko at agad akong sinabunutan. Hindi ako nagreklamo, ni hindi nga ako umaray. Panay lang ang tawa ko dahil nakakatuwa talaga ang asawa ko kapag ganitong nagseselos siya at galit na galit.

"I-Isang taon pa lang tayong kasal, ganyan ka na ..." tumigil na siya sa pagsabunot sa akin. Hinawakan ko ang baywang nya at pinaupo sa aking kandungan. Hindi naman siya umalma.

I nuzzled her neck. "Dalawang taon na tayong kasal," paalala ko.

"Iyong kasal lang last year ang valid dahil naka-traje de boda ako. Iyong sa San Fernando, aba! Shotgun wedding ang tawag 'dun!" Humalakhak ako sa kanyang leeg. Bahagya syang lumayo sa akin. "'Wag mo ngang iniiba ang pinag-uusapan natin. Siguro nagdate kayo ng sekretarya mong may malaking dede 'no? Kaya hatinggabi ka ng umuwi. Aba, Klaus! Kung ganyan rin lang ..."

"I love you," bulong ko at kinagat ang tainga niya.

"'Wag mo akong tinutukso, ha?"

"'Di nga! Matagal ko ng sekretarya si Chynna e, papalitan ko pa ba? Saka isa pa, buntis 'yon at ikakasal na kaya magli-leave na muna siya sa trabaho. Kaya para hindi ka na mangamba, sige, lalake ang ipapalit ko sa kanya."

Oh yes, kung under ang tawag nila sa asawang kagaya ko, ay ano naman ngayon? It is just right that I will treat her like a queen, because she deserves to be. After everything that has happened between us, after every tear that flowed from her eyes, after every heart ache I have caused her, I promised myself that I will devote myself in making her happy with her life with me.

Minsan nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi na yakap-yakap niya o di kaya'y nakahiga siya sa dibdib ko, tapos magtatanong ako sa aking sarili kung totoo ba talaga ang lahat o guni-guni lamang ng kahapon ko. But then, she would wake up and kiss me 'til we get wasted together and that would make me feel relieved. Na hindi pala panaginip ang mahal niya pa rin ako sa kabila ng lahat, sa kabila ng taong nagdaan, sa kabila ng pagkamuhi namin sa isa't isa.

She eyed me and stood up.

"Kumain ka na ba?" Umiling ako.

"Hindi pa, gusto ko kasama kita. Kumain ka na ba?" tanong ko rin.

"Hindi pa, hinintay kaya kita. Dali na! Kain na tayo!" hinila niya ako para pumunta na kami sa dining area.

Iisa lamang ang platong kinainan namin habang nakakandong siya sa akin. Nagkwento rin siya tungkol sa nangyari sa kanya sa buong araw at mataman lang akong nakinig sa lahat ng sinabi niya. Nang matapos kami ay mabilis kaming naglinis para pumanhik na sa taas. Napangisi ako nang panay ang haplos niya sa likuran at braso ko.

Hindi ako tuluyang pumasok sa kwarto namin nang buksan niya iyon.

"Iche-check ko lang si Gavin sa kwarto nya," saad ko. Ngumuso siya.

"Na-check ko na sya bago ka pa dumating. Ako ang nagpatulog sa kanya."

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. Horny Anya is cute Anya and this Anya is only mine.

"Sige na," tinulak ko na sya papasok sa kwarto namin. "Mauna ka ng maligo, susunod ako sa banyo. Mabilis lang ako." Kinindatan ko sya. Ngumisi siya saka tumango.

The Girl You Should Not Love (The Girl Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon