Kabanata 3

8 0 0
                                    

Kabanata 3

Summer Love

Dumating ang Sabado at ang lahat ng inempake ko ay binuhat ko palabas ng kwarto. Mabuti nalang at nakabili pa kami ni Liana ng two piece. Medyo naging busy ako noong mga nakaraang araw dahil sa aking debut.

Nag patahi na din ako ng aking mga gown. Napag usapan na din namin ang venue, invitations, cake, at mga programme. Mabuti nalang at nandiyan si mommy.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. Bryan.

Bryan: Deng, we're almost here. Palabas mo na kay manong yung gamit mo.

Andrea: Okay! See you!

"Manong Jun! Paki labas naman 'ho nung mga bag ko. Padating na 'ho ang mga pinsan ko.." ani ko. Agad naman siyang tumango.

Naghintay ako sa labas ng gate namin. Ilang minuto ay dumating na ang van ni Tito Ace. Panugurado na nandiyan din si Manong Forro at si Manong Bonny ang driver nila Harvey.

"Cous! Come on, hop in!" tawag ni Sunny. Tumango naman ako sakaniya. Hinihintay ko lang si Manong Jun yung mga gamut ko kasi ay medyo marami.

"Wait lang, Sunnyvale! Masyado kang excited. Wala pa si Manong, e!" ani ko.

Maya maya ay bigla na 'ding dumating si Manong. Dinala niya ito sa likod ng sasakyan. Kaya agad naman akong pumasok sa van. Tumabi ako kay Bea at kay Liana.

"Hoy, mga pugo! Siguraduhin niyo lang na apat na araw lang tayo doon, a! Pag tayo lumagpas ng apat na araw, sisipain ko 'yang mga ano ninyo!" ani ko. Paalam ko kay mommy na hanggang apat na araw lang kami sa Ilocos dahil di pa ako tapos sa debut ko.

"Huwag po, 'wag po!" Aniya ni Kuya Billy ang kapatid ni Liana. Kaya tawa ng tawa ang mga lalaki.

"Ikaw naman, medyo malayo iyong Ilocos aba'y di pa nga sapat iyong apat na araw -" aniya Kuya Drake.

"I knew it! Sana pala ay nag paiwan nalang ako!" sabi ko. Medyo nainis ako sa mga pinsan kong lalaki. Kaya't buong byahe ay tahimik ako.

Nang makarating kami sa Baguio ay nag stop muna kami para mag stretching. Pero pinili ko munang hindi lumabas. Sabi ni Drianna ay ang susunod na stop ay Vigan. Medyo malayo pa iyon.

"Andeng! Bumaba ka na dito! Wag ng mag tampo!" aniya ni Kuya Drake. Tiningnan ko siya at piniling huwag pansinin.

Nang napansin niya na hindi ako sumunod sa kanya ay lumapit siya kasama ang kapatid niyang si Drianne. Naka

"Andeng, come on! We should enjoy this!" aniya Drianne. Tumango naman si Kuya Drake.

"Oo na, nakakainis naman kasi. You know, I am kinda busy this past few days. And you know, I should continue doing that." paliwanag ko. Ngumiti ako ng tumango siya.

Ang sabi ng mga pinsan ko ay, masyaso daw akong mapatawad. Noong mga bata pa kami ay may mga bata 'ding umaaway saakin. Pinag tatanggol ako ng mga pinsan kong lalaki. Kaya nagalit sila Sunny noong nag sorry sila at pinatawad ko. Yoon pala ay patuloy akong inaway.

Sumunod ako kila Drianne. Kasama ko ang kaibigan kong si Nikki at si Kaye. Hindi nakasama si Ryle, Kit, Yves, Ryan, at si Jayson dahil may kanya kanya kaming lakad.

Ilang minuto ay sumigaw na si Rob na tuloy na daw papuntang Pagudpud.

This time, tumabi na ako kila Nikki at kay Kaye.

"Friend! Ang gwapo talaga ni Bryan! Jusko, mamatay ako sa kakatitig sakaniya!" ani Kaye. Noon palang at gusto n niya ang pinsan ko. Hindi lang daw gwapo ay makulit pa. Tumawa nalang ako.

Pag katapos ng isang oras ay nakarating na kami sa Vigan. Kitang kita ko doon ang lumang bahay na hanggang ngayon ay pinepreserve pa. Kumain kami sa isang carenderia para feel na feel ang hangin.

"Cous, bihis agad tayo diretso sa Pagudpud a! Ligo agad sayang oras e." ani Bea. Kaya agad naman kaming tumango.

Pagkatapos namin kumain ay diretso na kami sa Pagudpud. Mabilis ang naging byahe dahil gusto na naming maligo. For sure ay makulimlim ang araw. Dahil halos 4pm na for sure ang punta namin doon.

Nang makarating kami ay laking gulat namin dahil ang ganda ng tanawin dito.

"O! Picture muna, picture!" ani Bryan. Mabuti't dala ni Kuya Billy ang DSLR niya.

"Tayong lahat!" sigaw ni Kuya Drake. Agad naman dumeretso sa kanya kanyang pwesto.

Nang matapos ang picture taking ay agad na kaming nag bihis ng two piece namin. Finally!

Nag bun ako ng buhok ko. Mayroong highlights ang buhok ko na kulay violet. Aniya ng mga pinsan ko ay kahawig ko daw si Sofia Andres. Wow. Kinuha ko ang sunglasses ko sa bag at agad na sinuot iyon.

"Kaye, Nikki, Cous? Tapos na ba kayo?" tanong ko habang naglalagay ng lotion.

"Oo, friend. Teka.." aniya Nikki. Bigla naman siyang lumabas. Naka pusod din niya ang mahaba niyang buhok. I can say, that she has good curve body.

"Wait.." ani Kaye. Hinintay namin silang lumabas kaya isa isa silang lumabas. Kaya naman sabay sabay kaming pumunta sa beach.

In-enjoy namin ang alon ng dagat. Baka ang mga pinsan kong lalaki ay paniguradong dumiretso sa hotel at nag pahinga.

"God, cous! Look! Jowa mo!" ani Lia. Kaya agad naman akong lumingon.

Ay putangina. Si Joaquin.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon