Kabanata 4

9 0 0
                                    

Kabanata 4

Crush mo na ko niyan?

Nagulat ako ng makita ko si Joaquin na tumatawa doon kasama ang mga pinsan niyang lalaki. And I assumed, that those boys are Xavier and Clark Santiago. I'm such a great stalker.

"Ano, bes? Hanggang titig ka na lang? Jusko! Naninibago ako a!" ani Kaye. Inirapan ko siya at patuloy na tinitigan si Joaquin.

"Oo nga, friend! Di ka makikita niyan! Ang dami daming tao, o! Baka malusaw 'yan sa titig mo. Why don't you catch and talk to him?" ani Nikki. Ang mga pinsan ko siguro ay nandoon at nag pipicture.

"Mamaya na, jusko. Anong gusto mong sabihin ko? Masyado naman ata akong nag mumukhang desperada sakaniya!" ani ko. Panigurado at tutuksuhin ako ni Kaye. Sasabihin na, 'Bakit, Andrea? Hindi ba?!'

"Wow ha. Dati nga kung maka kapit ka sa braso noon ay para kang linta! Bakit hindi mo pa sagarin?" Aniya. Tiningnan ko siya ng masama at agad na dumapo ang palad ko sa kanyang braso at kitang kits ang pagka pula nito.

"Ay bes! Masakit 'yon. Try ko sa'yo gusto mo?" Aniya kaya na patawa ako.

Maya maya ay dumating na ang mga lalaki. Sinuot nila ang kanya kanya nilang board shorts.

Ngunit paalis na kami nila Nikki noong nakita kong dumating sila. Itong si Kaye ay nag dabog pa noong nakita niya si Bryan na naka board shorts habang siya ay nakabihis na ng tee shirt at shorts. Aniya'y gusto niya mag swimming dahil andoon si Bryan.

Nang sa wakas ay nakabihis na kami. Naisipan namin ni Liana na mag selfie muna kaming girls. Mag aalas syete na ngunit andoon pa din sila Harvey at tila damang dama pa din ang tubig.

"Andeng, andeng!" rinig kong sigaw ni Rob. Kaya agad akong napalingon

"Bakit, panget!" ani ko at tumawa. Nakita ko naman ang pag tingin niya ng masama sakin. Ngunit ngumiti din naman siya.

"Picturan mo kami nila Kuya!" aniya. Kaya agad kong binuksan ang DSLR ni Kuya Billy. Mabuti at dala ko ito kung hindi ay uutusan akong kunin sa kwarto. Ayoko nga!

Lumapit ako ng kaonti at pinicturan sila. Rinig ko pa ang mga complements ng mga babae sa gilid at sinasabing ang gwapo daw nila.

Nang matapos ko picturan sila ay agad na along tumalikod. Gusto pa nilang mag papicture ng solo kaso sabi ko ay ayoko. Gagawin pa akong photographer ng mga damoho.

Pumunta na ako doon kila Sunny. Pinicturan ko sila ng stolen. Ang galing ko talaga.

"Andrea Drianne!" inis na banggit ni Sunny. Tumawa ako dahil para siyang tanga doon sa picture.

"Sunnyvale!" humagalpak ako ng tawa ng kita ko sa mukha niya na gusto niyang ipabura iyong litrato.

"De look lang, eto na cous. High blood ka naman, e! Buburahin na, o!" ani ko. At agad na pinidot ang delete. Pero pinicturan ko naman iyon gamit ang cellphone ko. Pang blockmail kay bruha.

Napawi ang inis niya ng nakita niya na binura ko iyon. Pero laking gulat ko ng sumigaw si Kaye ng malakas. Habang tinuturo ni Drianna ang tao na nasa likod ko.

Si Joaquin iyon. Kinabahan ako bigla. Dahil mukhang nakuha ni Kaye ang atensyon ni Joaquin na ngayon ay naka kunot ang noo. Jusmiyo marimar, bakit pa ako lumingon!

Lumapit naman agad siya saamin --saakin noong nakita niya along lumingon. Nakita ko ang pag ngisi niya sa mukha niya habang nakatingin sa mga pinsan ko. Habang ako naman ay nakanganga at titig na titig sa mukha niya.

Matangkad si Joaquin. Maputi at medyo bagsak ang buhok niya. Bagay na bagay sakaniya iyon. Kitang kita ko ang mapupungay na mata niya at mapupula niyang labi. Bagay sakaniya ang katawan niya. Hindi masyadong malaki at hindi payat. Tama lang. Naka puti siyang tee shirt. Plain lang, bagay sakaniya.

"Huy!" rinig ko ang pag gulat na sabi ni Lia. Jusko, kainin niyo na 'ho ako.

"Uh," nauutal kong sabi. "Hi, Joaquin!" ani ko.

Bwisit! Ang gulo gulo ng buhok ko. Messy bun. Kitang kita doon ang highlights ng buhok ko. Nakataas ang sunglasses ko at nakapatong sa buhok ko. Jusmiyo! Mabuti nalang at naka shorts at white plain shirts lang din ako.

"Andrea," ngisi niya. Mabuti nalang at hindi siya suplado katulad ng mga pinsan ko.

"Picture kayo, picture dali! Akin na yung DSLR, Ate Andeng!" ani Bea.

"O sige, o sige!" ani ko. Kumapit ako sakaniya at ngumisi. Minsan lang 'to! Sagarin ko na! Wala ng hiya hiya.

Sa pangalawang picture ay tumitig ako sakaniya habang siya naman ay nakangisi sa camera.

Alas otso na ng gabi at lahat kami ay nag hahanda ng matulog. Pero hindi ako dinadatnan ng antok.

Lumabas muna ako ng kwarto at dumeretso sa beach. Wala lang gusto ko lang mag pahangin. Para kung sakali ay aantokin na ako pabalik sa hotel.

"But maybe one day we can... break the distance.." kanta ko. Nakaka LSS kasi e.

Umupo ako sa buhangin. Ramdam na ramdam ko yung hangin at ang hampas ng alon. Nakaka relax.

Iginala ko ang mata ko, nakita ko doon si Joaquin na nag lalakad. Good thing, siya lang mag isa. Ngumisi ako at nakita ko ang pag kagulat niya.

"Hi!" ani ko. Ngumiti ako at sinundan siya. "Saan ka pupunta?" siya ang nauuna saakin habang ako ay diretso sa likuran niya at nag eenjoy na nakita siya.

"Anywher-"

"Pwede bang sumama?" ani ko. Nagulat ako at humarap siya.

"Di ka ba natatakot saakin? At kung maka sunod ka ay akala mo sobrang close natin?" aniya at naka kunot ang mga noo niya. Mygod, ang hot!

"Hindi, malamang. Hindi no naman ako isa-salvage hindi ba? Bakit naman ako matatakot?" ani ko. Gravity, ang gwapo!

Inling niya ang ulo niya at agad na umupo sa buhangin kaya gumaya ako.

Mag kaiba ang hangin dito at doon sa inupuan ko kanina. Ma's maganda ang tanawin dito.

"Bakit ka nasa labas? Asan ang mga pinsan mo?" tanong niya kaya naman Napa kunot ang noo ko.

"Ayaw mo ba ako nandito? May babae ka 'no?" ani ko. Tumawa siya ng marahan. Kung kanina ay nilalamig ako ay ngayon medyo uminit dahil siguro sa tawa niya.

"You're adorable.." aniya.

"Crush mo na ko niyan?"

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon