Kabanata 5
Lame
"Loko lang! Ito naman masyadong sineseryoso!" ani ko. Syempre loko lang din na joke 'yon. Sige, Andrea! Ano asa pa, may napala ba? Wala!
"Wag mo nga ako niloloko ng ganun! Tsk, baka maging totoo iyan." bungisngis niya. Kumunot ang noo ko, nagulat ako ng bigla siyang humagikgik.
"Joke lang!" aniya. Nagulat ako noong humagalpak siya ng tawa.
"Paasa ka ha! Alam mo namang gusto kita, e! Tapos bigla bigla kang hihirit ng ganoon." ani ko. Medyo inaantok ako kaya siguro napansin niya ang pay hikab ko.
"Tara na, tsk. Inaantok ka na e." aniya. Tumayo siya at in offer ang kanyang kamay. Jusko lord, ito na po ba yun?
Agad ko namang kinuha iyon. Tumayo agad ako. Ayoko munang tanggalin ang kamay ko sa kamay niya kaya hinayaan ko iyon. Perk mukhang awkward siya kaya binitawan ko yon.
"Akala ko holding hands while walking na tayo e." tumawa ako mabuti at tumawa din siya.
"Is this the hotel you checked in?" aniya. Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng hotel.
"Uh, yes. Sorry, I didn't notice." ani ko. At tumango siya. Hindi ko alam kung among gagawin ko? Tatalikod na ba agad ako o.. ano?
"You go ahead. Sleep well okay? Goodnight." ngumiti siya at tumango.
"Bye, bye." tumalikod ako sakaniya at nginitian siya.
•
"O, ano? Asa pa kasi! Anong katangahan 'yon, bes?" aniya Kaye. Kumunot ang noo ko sa pagiging harsh niya.
"Bes, ang OA ha! Syempre umasa ako. Ikaw ba naman sabihan noon?" ani ko. Naabutan ko silang dalawa ni Nikki na gising pa. Kaya nung tinanong mila ako kung saan ako galing kaya ayun, nakwento ko sakanilang dalawa.
"Friend naman kasi! Alam mo bang ginising pa ako niyan ni Kaye! Kairita, ang sarap sipain!" aniya ni Nikki na bakas pa din sakaniya ang antok at inis.
"O edi matulog ka na," ani ko. Mag aalas dyis na at gising pa kami. Samantalang sila Sunny ay mahimbing ang tulog. Panigurado sila Harvey ay nag hahappy time pa.
"Okay!" aniya.
Kinaumagahan ay nag order na si Kuya Billy ng pagkain. Alas sais pa lang ay gising na ang diwa namin. Gusto ko sana mag explore dito sa beach kaso lang ay babalik ulit kami sa Vigan.
Napag desisyunan na sa kwarto ng mga lalaki kami kakain total mas malaki ang space ng kwarto nila kumpara saamin.
"Oy, Andeng! Nakita kita na lumabas ng kwarto a! Ikaw lang mag isa. Saan ka galing?" aniya Gian. Sinamangutan ko siya.
"Di a! Bakit naman ako lalabas?" nag kunwari ako. Ayoko, tutuksuhin nanaman ako ni Gian. Tiningnan ko si Kaye at si Nikki na nakangisi.
"Bugok! Ako pa lolokohin mo ha!" aniya at tumawa ako.
"Ikain mo 'yan, Gian. O baka kulang ka sa tulog. Pati ako pag ti-tripan mo." ani ko.
BINABASA MO ANG
Save Me
HumorAndrea Drianne Montenegro, Joaquin Santiago is her drug. No one else. How to get her? Simple, be Joaquin Santiago and drown her into your deep words. She's all yours. Ngunit ang nakakagulat lang ay noong pinakawalan niya si Joaquin. Akala ko ba ay...