Kabanata 6

4 0 0
                                    

Kabanata 6

Jealousy

"Ang panget mo, Jay." ani ko. First day ng second semester. Kinekwento nila Nikki noong nag summer kami sa Ilocos.

"Ang ganda mo kasi, Drianne e." pang aasar niya. Binelatan ko siya bilang pang higante.

"Mag review na nga lang kayo! Basta ako, paki ramdam ko ay papasa ako. Kindatan ko lang yung professor namin sa physics, tsk! Panigurado ako!" pag mamayabang ni Yves.

"Edi wow, hambog na panget pa!" ani Kaye. Kaya naman tumawa kami.

"Anyway‚ may kasama pala ako mamaya. Isasabay natin siya sa lunch a! Wag kayo maingay, lalo ka na Andrea. Sasapingilin kita." ani Kaye.

"Luh! Ako nanaman! Sino ba 'yan? Unggoy mo?" ani ko.

"Tanga, gwapo 'yun! Rover Reyes. Bagong lipat siya dito." aniya. Naging curious na tuloy ako. Gwapo daw e!

Kumain nalang kami at patuloy na nag review. Pumasok ako sa klase ko ngayon. Pero laking gulat ko ay nandoon si Joaquin papasok siguro sa klase niya.

"Joaquin!" ani ko. Shet, ang saya naman. Pinag tatagpo kami ng tadhana.

"Andrea, hey.." aniya.

"Pupunta ka naman sa debut ko diba diba? Sana makahabol ka.."

"Yeah, yeah. Sure."

Dumating at lunch ay hinihintay nalang namin si Kaye at yung kasama niya.

Mga ilang minuto ay andiyan na si Kaye. Kasama ang isang matangkad at mistisong lalaki. He's wearing longsleeves shirt and a jeans. I can say that he's really handsome and hell he's hot! I think his name is Rover Reyes at ito ang tinutukoy ni Kaye.

"Hey, bro!" ani Ryle.

Maya maya ay kitang kita ko na ang pagiging close ni Rover sa mga kaibigan ko. Madali siyang pakisamahan at medyo funny.

"Pst! Rover, diba ano yun.. belong din sa mga pond, sea, at lake yun?" hirit ko. Mabuti nalang at tumawa si Rover at Nikki doon. Thanks friends!

"Hala buang, banda yun e! Rovermaya!" hirit din ni Kaye.

"Baliw hindi! Ano yan e, yung sinasabi ni Kuya Kim? Ang buhay ay.. Rover rover lang!" aniya Ryan. Tiningnan namin siya ng masama. Anong connect?

"Luh! Last mo na 'yan, uwi ka na!" aniya Nikki. Kaya humagalpak ng tawa si Kit, Ryle, Jayson, at si Rover.

"Baliw hindi! Kapangalan ko kaya yung artista, si ano.. Si Rover Cruz! Panes!" aniya Rover.

Ilang linggo din ang lumipas. Isang linggo nalang ay debut ko na. Medyo naging busy na ako. Hectic ang schedule ko dahil sa preparation ko sa invitations. Ngayon ay alam ko na kung sino ang escort ko, iyon ay si Rover.

I can say that we're really close. May mga bagay na parehas ang gusto namin. Katulad ng, ma's gusto ko ang actions kaysa sa romantic movies. Parehas naming gusto sa bahay at tumunganga mag damag. Mayroong oras din naman na may ayaw ako na gusto niya. Ganun din siya saakin. Pero, maliit lang na bagay iyon.

Pero noong isang linggo ay umamin saakin si Rover na gusto niya daw ako at gusto niya akong ligawan. Masyadong mabilis ang pangyayari. I grew up having boys with me. My cousins are there to protect me while I'm growing up. And I can say, that it's not that awkward na kasama ko ang mga kaibigan kong lalaki.

Si Rover Reyes ay mabait na tao. He's very close to me same as my other boy friends. He's very classy and very kind. Actually, he's one of a kind. He knows that I'm admiring my one and only Joaquin. Wala naman siyang problema doon basta daw, sinabi niyang gusto niya ako at wala akong magagawa doon. Ayoko paasahin siya, but he said we're friends. Yes, we're friends.

"Holdap 'to, walang gagalaw! Akin na puso mo!" ani Rover. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya at tinutok ang suklay ko na hawak niya. Malamang ay kinuha niya nanaman iyon sa bag ko.

"Heh! Hindi ako mamatay sa suklay ko na hawak mo! Sisipain kita! Lumubay ka nga, baka makita tayo ni Joaquin! Mag selos iyon!" ani. Humagikgik siya kaya napa kunot ang noo ko.

"Asa ka naman! E kahit nga anino mo di niya mapansin e!" pinanlakihan ko siya ng mata. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil siguro sa ekspresyon ko. Hinampas ko siya at kits doon ang bakas ng kamandag ng kamay ko.

"Asshole!" kaya't humagalpak siya ng tawa. Napa hawak siya sa kanyang tiyan at hindi kinaya ang saya sa mukha niya.

"Hoy, escort ka a! Pumunta ka! Wag kang mang iindian!" ani ko.

"Crush mo nanaman ako! Tsk, hayaan ko crush din naman kita!" humagikgik kami ng tawa.

Bumalik na ako sa klase ko. Naeexcite na ako sa debut ko. Eighteen na ako!

"Hi Joaquin!" ani ko ng nakita ko siya papasok sa classroom namin. Itong P.E class lang ang mag classmate kami. Pero okay na din dahil nakikita ko siyang mag basketball. Mabuti nalang at classmate ko din si Rover kaya medyo masaya.

Inirapan ako ni Joaquin. What the hell? Sanay ako kay Joaquin na hindi suplado. He probably not in the good mood. Hinayaan ko iyon.

"Panget mo daw kasi!" aniya Rover. Katabi ko siya dito sa klase namin though tatlong subject kami mag kaklase. Kinurot ko siya sa tagiliran. Para matauhan siya at hindi na ako asarin. Tumawa siya at kinurot din ako.

"Ang panget mo! Wag ka na nga mag escort sa debut ko!" ani ko. Medyo napalakas ata ang pagsabi ko noon kaya napahawak ako sa bibig ko.

"Tss, escort. Kung hindi lang ako busy ay ako ang magiging escort mo." ani Joaquin. Nasa unahan ko lang siya kaya medyo narinig ko iyon. I should be smiling like an idiot here, but I'm kinda nervous because of what he said. Nagseselos ba siya? No, impossible. Really.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon