Naalala ko pa noong bata ako. Pagnakakikita ako ng eroplano o di kaya helicopter ay kinakawayan ko iyon at sumisigaw ng "Ba-bye! ". Ginagawa ko iyon habang habol-habol nang tingin sa langit. Titigil na lamang ako pag malayo na o hindi kaya ay pag wala na sa aking paningin. Wala pa sa isip ko na hindi naman ako nakikita o naririnig ng mga tao sa loob n'yon.
Noong High School, nauto naman ako sa mga classmates ko. Sabi nila matutupad daw ang wish ko kapag naka-isang daan na bilang sa mga eroplano. Parang ewan nga! Paano ba naman kailangan pa na itaas ang dalawang kamay at ipu-pormang parihaba gamit ang mga daliri. Pagkatapos ay itututok mo ang butas ng iyong daliri sa mga eroplano. Kadalasan, nalilimutan ko kung saan ako tumigil na numero kaya uulit na naman sa pagbibilang o kaya ay dadayain mo nalang. Nakatatawa di ba? At 'pag nasa isang daan ka na, pwede ka na raw humiling.
Kaso, hindi lahat natutupad. Hiniling ko kasi na sana... maging crush ako ng crush ko.. Sayang sablay!Konti nalang e! kasi yung katabi ko sa upuan ang na-crushan nya, ang best friend ko. Kaya tinandaan ko na wag i-asa sa mga hiling-hiling na yan ang takbo ng buhay. Kung darating, darating. Kung ibibigay, ibibigay at kung sayo, edi sayo. Kung hindi naman sayo, matuto kang bumitaw at hayaan s'yang mapunta sa iba...kung saan sya sasaya.
If everything is at the right time, place and situation, wala nang makakapigil at makakahadlang kasi ito yung tinatawag na Will ni GOD. Ipaubaya mo sa Kanya ang lahat . Kung dati kailangan ko pang tumingala para makita ang eroplano, ngayon harap harapan ko na itong makikita. Sa katunayan nga uuwi ako sa probinsya namin sa Bicol. Sayang naman ang pagkakataon na wala pa akong pasok sa trabaho kaya sasamantalahin ko na. Miss na miss ko narin sina Inay at Itay. Matagal-tagal narin na panahon noong huli akong umuwi. Sakto rin dahil doon ako rehistrado sa darating na botohan.
Isa akong lisensyadong guro sa isang pampublikong paaralan sa Calamba, Laguna. Ang hinahawakan ko ay Grade 1 na mga bata. Nakakatuwa lang dahil mababait sila at nakikinig sa akin. Dati, wala pa sa isip ko ang pagkuha ng kursong edukasyon. Naimpluwensyahan lang ako ng mga kaibigan ko sa pagkuha ko nito. PERO, as time passed by minahal ko ang propesyon na ito. Hanga ako sa mga dakilang guro dahil hindi talaga madali ang ginagawa nila upang maibahagi ang karunungan sa mga bata.
Hindi basta-basta ang gawain o tungkulin nila. Una pa lamang dyan ay kung paano i-mamanage ang classroom. Kailangan ma-establish sa isang classroom na maging conducive for learning, free from danger, enjoyable ambiance and more good traits. Para ma-motivate ang mga bata sa pagpasok araw-araw.
Isa pang-role ng guro ay mag-create ng harmonious relationship towards the teacher and the students as well as students to students. Maging ang mga pamamaraan kung paano mo ituturo ang isang aralin. Halimbawa, gagamit ka ba ng makabagong kagamitan sa pagtuturo o tradisyunal? Gagamit ka ba ng group activity o individual work?. Lahat nang yan ay kailangang magampanan ng matiwasay ng isang guro upang maging epektibo ang proseso ng pagtuturo. Kaya marapat lang natin na bigyan papuri ang mga exemplaryong guro.
Mahigpit kong hinawakan ang mga dala kong bag. Nabalitaan ko kasi na wala ng patawad ang masasamang tao. Maging dito sa airport ay walang ligtas sa mga kawatan na tinitira ang mga gamit ng mga pasahero. Nakakalungkot man isipin ngunit iyon ang katotohanan na masakit tanggapin. Nagagawa ang mga ganung bagay sa ilang mga dahilan: kahirapan, walang kinatatakutan at kawalan ng trabaho. Sana talaga sa darating na eleksyon, mamayani ang isang matapang na mamumuno para makamit na natin ang pagbabago.
![](https://img.wattpad.com/cover/71524018-288-k438343.jpg)
BINABASA MO ANG
My Flightmate's Story (COMPLETED)
Short StoryMinsan hindi masamang makipag-usap sa isang stanger. Alamin kung bakit..