Nakatulog ako nang hindi ko alam. Maaga rin kasi akong nagising dahil sa pag-iimpake at paghabol ng masasakyan para makapunta agad sa airport. Pinaka ayoko panaman 'yon maabutan ako ng traffic sa kalsada. Syam-syam ang aabutin ko kung ganoon.
Kinusot-kusot ko pa ang aking mata para malinaw na makita ang paligid. Tinignan ko ang aking orasan. Tatlumpung minuto nalamang pala ay makakababa na kami. Iniayos ko ang aking mga gamit para mamaya ay madali ko nalang iyon makita.
Nilingon ko ang katabi ko at nakitang mahimbing din syang nakatulog. Ikaw ba naman jetlag na jetlag ka pa tapos bumiyahe ka pa ulit. He deserves that. Para makapag-isip sya ng kanyang gagawin pag-uwi nya. Ipagdadasal ko sya na sana bigyan sya ng bukas na isip sa lahat ng mangyayari sa kanya.
Siguro kailangan nya rin ng kausap para mailabas nya ang nararamdaman nya. Mahirap itago kung anong nararamdaman kaya maigi narin iyon na nakapag-share sya sakin. Para naman kahit papaano ay alam nya kung ano ang gagawin nya at makapag-isip sya ng tama.
Bahagya syang gumalaw nang may nagsalita na malapit na raw kaming bumaba. Umayos sya sa pagkakaupo at may kinuha sa loob ng kanyang backbag. Pasimple akong tinignan kung ano 'yon pero hindi ko nakita. Halos mapatalon ako nang nagsalita sya.
"M-maraming salamat nga pala at sorry sa nangyari kanina." nakalingon na sabi nya.
"Naku, wala yon." inihampas ko pa ang aking kaliwang kamay sa ere. "Basta, lahat ng gagawin mo, ikunsulta mo muna sa Kanya." sabay turo sa taas. "He is a good listener. Para hindi ka makagawa ng maling desisyon dahil galit ka o dahil mainit ang ulo mo." tumango nalang sya sa akin. Sakto naman na pwede na raw kaming bumaba.
Lumingon ako sakanya at nakita kong may kinukuha sa ilalim ng kanyang upuan. Ipagdarasal ko sya. Hanggang sa huli. Binitbit ko na ang lahat ng aking bagahe at pandalas na bumaba dahil nagtext sina Inay at Itay na nagiintay na raw sila sa labas.
BINABASA MO ANG
My Flightmate's Story (COMPLETED)
Short StoryMinsan hindi masamang makipag-usap sa isang stanger. Alamin kung bakit..