Nang tatanggalin ko na ang seatbelt ko, natigilan ako. Bigla kasing nagsalita ang katabi ko.
" O-oo. Sa totoo lang.." napatingin ako sa kanya. Napalunok sya bago nya itinuloy. "sobrang laki ng problema ko. Sobrang sakit din ang nararamdaman nito" tinuro ng kanan nyang kamay ang dibdib na tinatapatan ng kanyang puso. Ibinalik ko sa pagkakalock ng aking seat belt.
Hindi nga ako nagkamali sa pagbasa ng kanyang ekspresyon. Kitang kita ko ang sakit na rumihistro sa kanyang mukha. Mukhang mabigat nga ang problema nya.
" A, o-okay lang sakin kung m-magkukwento ka" naku baka sabihin nya napakapakilamera ko! "I mean kung okay lang sayo. Mahirap kasi kung ikikimkim mo lang yan. Wala namang masama di ba?" tumaas taas pa ang dalawang kilay ko.
" Okay lang sakin. Mahaba-haba parin naman ang biyahe natin. " ngumiti ako sa sagot nya at umayos ng puwesto. Gumilid ako paharap sa kanya para komportableng makipag-usap
" Game! " excited na sabi ko. Hindi ko man dapat maramdaman ang pagka-excite ay hindi ko mapigilan. Talking someone... a completely stranger ay hindi naman masama. Hindi naman masamang makiniig sakanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/71524018-288-k438343.jpg)
BINABASA MO ANG
My Flightmate's Story (COMPLETED)
Short StoryMinsan hindi masamang makipag-usap sa isang stanger. Alamin kung bakit..