simple explanation

20 2 0
                                    



"Tatlong taon ako sa ibang bansa. Tatlong taon na rin akong ginagago ng girlfriend ko at ng kapatid ko." Nanganga ako dahil sa sinabi nya. Hindi ako nakaimik o maglabas manlamang ng isang letra.



"Diba pati ikaw nagulat din? Na ang taong akala mo ay mahal ka at ang taong kadugo mo ay kaya kang pagtaksilan at palihiman. Sobrang pagkawasak ang ipinaramdam nila sakin." nagngingitngit na sya sa galit. Nag-aalinlangan pa akong itanong sa kanya kung kailan at paano nya iyon nalaman.



"Nalaman ko lang ang lahat kanina. Pagka-book ko palang ng ticket. Tumawag kasi saakin ang girlfriend ko---magiging Ex pala. Kinakamusta ako at nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Pagkatapos noon ay ipinapababa ko na sakanya yung cellphone nya pero ayaw nya, ako raw muna. Ilang sandaling walang umimik sa amin. Akala nya siguro ay pinatay ko na. Nakikinig lamang ako sa background. Mga ilang minuto lang, narinig ko syang may kausap na lalake. Hindi ako magkakamali na kapatid ko iyon na kaka-graduate lamang. Nakakagago lang--" napatigil sya sa pagkukwento. Hindi ako nagreact o ano pa man. Inintay ko lang sya na magpatuloy ulit.



"Sobrang sakit marinig na nagpapalitan sila na matatamis na mga salita. 'Tangna. Nakuha pa nilang magharutan. Mga hayop sila! Nanlambot ako dahil doon. Nagkaroon na rin ako ng kutob, kahit nadun pa ako sa Taiwan, na meron syang iba. Pero, laging nya akong pinapaniwala na wala talaga. Ako naman si tanga, paniwalang paniwala." nagmura pa sya ng ilang ulit. Parang senario lang sa isang teleserye o pelikula ang storya ng pag-ibig nya. Nakakabigla at hindi inaasahan.



"Mga hayop sila. Akala ko yon lang ang pagtataksil na ginawa nila sakin. Na meron lang silang relasyon pero hindi e... N-narinig ko rin na... M-magkakaanak na sila-" mura sya ng mura dahil sa galit. Nangingilid na rin ang kanyang luha. Napatakip nalang ako ng bibig. Hindi ko na kaya ang rebelasyon na sinasabi nya.



"Pinagkukwentuhan pa nila kung paano nila sasabihin sakin ang lahat. Durog na durog ako dahil doon. Matatanggap ko ang pagkakamali nila. Pero yong magkakaanak na sila. Puta. Gaguhan talaga." nakita kong nagkuyom ang kanyang kamao. Halos mawasak na ang kahon na hawak nya.



"Tarantado talaga ang kapatid ko. Pinatos pa ang akin. Hindi nalang humanap ng iba. 'Tangna talaga. Baka mapatay ko sya dahil sa ginawa nya."



"T-teka huminahon ka muna-"



"PAANO AKO MAKAKAHINAHON SA LAGAY NA 'YON!" nabigla ako sa pagtaas nya ng boses. Pinagtitinginan na kami ng iba pang pasahero. Hindi ako magtataka sa paglapit ng isang attendant.



"Sir, Maam, Is there something wrong?"



"Ah. Sorry po. Wala po ito." ngumiti ako kay ateng attendant para ipakitang ayos lang talaga. Mabilis ko naman syang nakumbinsi kaya umalis na rin ito agad.



"Sorry di ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses." sabi nya ilang saglit lang ang nakalipas.



"A-ayos lang. Ang akin lang naman bago ka gumawa ng hakbang ay pakalmahin mo muna ang sarili mo. Mamaya pagnandoon ka na, magdilim ang paningin mo at talagang matuloy ang sinabi mong pagpatay sa kapatid mo. Magkapatid parin kayo tandaan mo. Pati, hindi malulutas ang isang problema kung idadaan mo yan sa init ng ulo o dahil sa galit. Hindi ko naman sinasabi na okay yoong nangyari, nandyan na yan e,, walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan ng girlfriend mo. In time, magpalamig ka muna. Hindi mo mamalayan naibigay mo na ang forgiveness sa girlfriend at kapatid mo at na-accept mo 'yong bata na magiging pamangkin mo. Maybe she's not the right kind of girl for you. That's the simple explanation."



Pagkatapos kong magsalita ay hindi sya kumibo. Siguro napag-isip isip nya rin ang sinabi ko. Walang magandang maidudulot ang init ng ulo sa paggawa ng desisyon. Jusme, init na nga ng panahon, sasabayan pa. Highblood at heatstroke ang makukuha mo do'n no! It's better to make some actions or decision when you are in the right mood.

My Flightmate's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon