AFTER TWO YEARS

32 3 2
                                    


AFTER TWO YEARS





"Nay, oho. Wag kayong mag-alala dyan. Papasakay na ho ako ng eroplano." Semestral break ngayon at kinaugalian kong umuwi sa aming probinsya kada taon. Ipagpapaliban ko ba naman ang piyesta sa baranggay namin? Malamang malaking HINDI!




"O sya. Sige na, ikaw ay nag-iingat ha." hindi maiiwasan sa magulang ang mag-alala. It's their nature. Nagpaalam na ako kay Inay. Pinatay ko ang cellphone ko at mainam na binitbit ang aking bagahe. As usual, pasabong kong buko pie ang aking dala at ilang kakanin.




Pagtungtong ko sa eroplano ay maalalaking ngiti ng mga attendants ang sumalubong saakin. Sinagot ko rin naman iyon ng simpleng ngiti. Malamig na temperatura ang dumampit sa balat ko. Mabuti nalamang ay may dala akong jacket sa aking bag. Mabilis ko namang nahanap ang aking upuan na nasa aisle. 712A. May mga alaalang bigla na lamang lumitaw sa aking isip. Kamusta na kaya sya?




Inilapag ko muna ang aking shoulder bag sa upuan para mailagay ang ilang mga gamit sa compartment sa taas. Mabigat iyon nang maipasa ere ko. Muntik muntikan pang mahulog sa aking mukha ang bag. Mabuti nalang ay may mabait na sumalo nyon.




"Ako na." malalim na pagkakasabi galing sa likod ko. Kinalibutan ako dahil tumama ang dibdib nya sa aking likod. Tumikhim ako para mawala ang kaba na nabuhay sa akin. Parang may kung ano na nagpahurumentado ng aking dibdib. Holy shit!




Haharap na sana ako upang magpasalamat nang bigla ulit syang nagsalita. Ito ang dahil kung bakit abot abot ang pagkabog ng aking dibdib.






"Long time no see." sabay bigay sakin ng I.D ko na nawawala dalawang taon na ang nakalipas.








Wakas

My Flightmate's Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon