Chapter 3

25.1K 822 36
                                    


Chapter 3: Fire kingdom

******

Shamira Reign Warl

Kasalukuyan kaming nagkaklase ng biglang may katok kaming narinig mula sa pintuan. "Shamira Warl" rinig kong sabi mula sa labas kaya naman tumayo ako at nagpakita. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya sa akin at sinabi niyang sumunod na lang daw ako.

Sumunod lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa office of the principal. Kahit na nagtataka ay pumasok na lang ako sa loob. My jaw dropped when I saw them. Halos gusto kong sampalin ng maraming beses ang magkabilang pisngi ko ng makita kung sino ang mga nasa harapan ko.

"Pinapatawag niyo po daw ako" pilit kong pinapakalma ang sarili ko at pinipigilang mautal. Naiilang ako sa mga tingin nila lalo na yung lalaking may dark red na mata. Nagtama ang paningin namin at ako ang unang umiwas. Rinig ko ang principal at may binigay na isang sobra sa akin kaya kinuha ko at inumpisahang basahin.

"Teka, anong ibig sabihin nito?"

"Nabasa mo naman diba?" seryosong sabi sa akin ng isang lalaki kaya di ko maiwasang mapalunok. No, it can't be! Mabilis akong napailing dahil sa nabasa ko.

"Hindi ko to matatanggap" sabi ko habang umiiling iling pa. Nakita ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng principal namin dahil sa pagtanggi ko. Malamang ikaw ba naman ay kuning scholar para mag-aral sa Royal Academy at heto ako ay tumatanggi sa alok nila.

"Alam mo ba kung gaano kalaki ang sinasayang mo hija?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Umiling lang ako bilang sagot.

"No" napatingin ako sa lalaking nagsalita na walang iba kundi ang lalaking may dark red eyes. Seryoso ang mukha niya at parang nagpanic nanaman ang buong sistema ng katawan ko. "Hindi mo pwedeng tanggihan yan. You cannot reject that one as like that especially that offer is from Queen Emerald"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Is he serious? Galing talaga yan sa reyna ng white castle? I can't believe it. Pero di ko maiwasang hindi magtaka, bakit sa dinami dami ng maaring gawing scholar sa Royal Academy ay ako pa. Bigla kong naisip si Janella, kapag siya sana ang inalukan paniguradong sayang-saya siya ng sobra.

"Please Ms. Warl, pumayag ka na lang. Kami ang mapapagalitan ng reyna, ang sabi niya kahit anong mangyari daw ay pilitin ka namin" nagmamakaawang sabi sa akin ng isang babaeng kasama nila. Dibale lima silang lahat na nandito. Dalawang babae at tatlong lalaki.

"Kung kami ang masusunod ay labag rin naman sa loob namin na pakiusapan ka. tsk! But that's from the queen" taas kilay na sabi ng isang babae at agad naman siyang sinuway ng kasama niyang babae na nakiusap sa akin.

Sa huli ay napapayag rin lamang nila ako. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng mga gustong makapag-aral doon ay ako pa na walang pakialam sa ekwelahang yun ang pinili nila. Iniisip ko si Janella hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kaniya. Lalong lalo na sa mga magulang niya. Sila na ang tumulong sa akin simula ng nawala ang mga magulang ko.

Naglakad lang kami hanggang sa nakarating kami sa loob ng bahay ko. "Kukunin ko na lang ang ilang gamit ko, saglit lang ako" sabi ko sakanila habng inililibot nila ang buong paningin nila sa buong kabahayan.

Dali dali akong nagtungo sa loob ng kwarto at kinuha ang isang backpack. Unti lang naman ang gamit ko. Napatingin ako sa isang box na nasa isang gilid at napabuntong hininga. Kinuha ko yun at binuksan. Isang napakagandang kwintas. Iyan ang kwintas ko mula pa noong bata ako at inalis ko lang ito noong namatay ang mga magulang ko. Mapait akong napangiti.

"Alam ko pong binabantayan niyo ako" tumayo na ako at inayos ko na ang mga gamit ko pero bago yun ay isinuot ko ang kwintas ko. May pendant ito na pakpak na kulay itim at puti. Masasabi mong napakaganda nito.

"Tapos ka na?" tanong naman ng isang lalaki kaya naman tumango ako. Nakita kong hindi nila tinitignan talaga nila bawat parte ng bahay ko. Para silang naignorante.

"Asan ang mga magulang mo?" tanong nung babae kaya umiling lang ako.

"They're gone" simpleng sabi ko at nakita kong napaiwas siya ng tingin. Nabaling rin sa akin ang atensiyon nila dahil sa sinabi ko.

"Sorry, I'm Rain by the way" nakangiting sabi niya. Alanganing ngumiti na lang ako pabalik. Mayroon siyang maikling buhok na kulay yellow na bumagay naman sa kaniya. Napakakinis rin ng balat niya. Mayroon siyang kulay brown na mata. Bigla kong naalala ang second name ko dahil sa pangalan niya.

"I'm Shamira" tipid na sabi ko at nakita ko ang pagamuse sa mukha niya ng sinabi ko ang pangalan ko kaya di ko maiwasang magtaka. Napakunot ang noo ko dahil sa naging reaksiyon niya. Kung sabagay kakaiba nga naman ang pangalan ko dahil may ibig sabihin daw ito sabi ng mga magulang ko. Hindi ko nga lang alam kung ano.

"How rude na hindi pa pala kami nakakapagpakilala sayo kanina buti na lang at naisipang magpakilala ni Rain. I'm Jiro by the way" sabi niya at inilahad ang kamay niya. Kahit naga-alangan ay tinaggap ko pa rin ito. Mayroong siyang kulay abo na buhok and deep black eyes.

Nagpakilala rin ang isa pang lalakig kasama nila bilang si Sean. Siya ang pinakakaiba sa kanilang tatlong lalaki dahil mayroon siyang kulay itim na buhok na may pagkabrown at mayroong halong kulay green at gold. Pero bagay na bagay sa kaniya. Tumitingkad ang kagwapuhan niya.

Ipinakilala naman ni Rain si Anya, yung babaeng nagsungit sa akin kanina. Makikita mong parang lagi siyang may problema sa mundo. Parang kahit may kaunti ka lang na sasabihin ay susungitan kana niya.

Nalaman ko na rin ang pangalan ng lalaking may dark red na mata. Sean said his name is 'Zeke'. Halos sumabog na ako dahil sa sobrang kaba ng tignan niya ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin noong oras na yun. Mayroon siyang dark red rin na buhok gaya ng mga mata niya.

Doon ko lang naalala na sila yung dumating noon nung isang araw na nilait ng mga kagaya nilang mga taga Royal Academy ang babaeng lumpo. Well, except Anya. Hindi ko siya nakita noon. Wala rin silang ginawa noon para pigilan man lang ang mga ka-schoolmates nila.

"Let's go" sabi ni Zeke at nauna ng lumabas kasunod si Anya. Nakasunod lang ako sa kanilang lima, tanging si Sean at Reign lang ang nag-iingay. At sa bawat pagiingay nila ay lagi silang sinisita ni Anya pero parang wala lang silang naririnig at patuloy pa rin sa pagdada.

"Will the three of you just shut up!" zeke hissed and with that para silang maamong tupa na natahimik. Pati tuloy si Anya ay nasama sa nasigawan ni Zeke. Umirap lang siya kay Zeke habang si Sean ay parang wala lang na sumigaw si Zeke at si Rain naman napanguso na lang.

"A gryffin?" hindi makapaniwalang saad ko. Napa-uhuh lang naman si Sean at inalakayan akong sumakay kasunod na inalalayan niya ay si Rain. Dibale tatlong ang gryffin na nandito at tutal anim naman kami ay tig-dadalawa na kami ng gryffin na sinakyan.

Mga sampung minuto rin siguro ang naging biyahe namin gamit ang mga gryffin. Mula sa itaas ay nakikita ko ng maliwanag ang nga nangyayari sa nasa ibaba. Nakikita ko rin ang ibang nga palayan at iba pa. Pati rin ang ilang mga falls. Wow. Taga bayan man kami ay mayroon pa rin kaming maipagmamalaki.

"Bababa muna tayo saglit sa fire kingdom. Isa pa alam naman na ng headmaster na dadaan tayo dito" tumango naman ako sa sinabi ni Rain. Nadaanan namin ang isang napakalaking gate at sa likod ng napakalaking gate ay ang napakalaking kastilyo. Ang fire kingdom.

Tumalon na lang ako pababa at inalalayan ko si Rain dahil mukhang nahihirapan siya. Ako kasi ay sanay na sa mga matataas na lugaw kaya madali na lang sa akin ang tumalon talon gaano man kataas isali mo pa na nadalas kami ni Janella sa gubat para magpahangin.

Si Janella. Bigla ko tuloy siyang naalala, kumusta na kaya siya? Sana ay ayos lang siya, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos. Isang malalim na hininga ang inilabas ko dahil sa mga naalala ko.

"Hey" rain snapped. Kaya napa-ha? ako.

"Tulala ka, tara na" doon ko lang napansin na ako na lang pala ang hindi pa gumagalaw sa pwesto namin kaya nasa akin ang atensiyon nila. Mabilis naman akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa kanila at mabilis ring napaiwas ng tingin ng biglang magtama ang mata namin ni Zeke.

"Let's go"

******

Fantasy: The LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon