Chapter 4: Inside the academy*******
Shamira Reign Warl
Habang naglalakad papasok ay hindi ko maiwasang humanga sa mga structure nito. Isang napakalaking pintuan ang nadaanan namin. Makikita mo ang upuan dito na pinagsamang gawa sa kahoy at fiber glass. Weird combination pero ang gandang tignan. May dalawang hagdan na parehong may red carpet at sa pagitan ng dalawang hagdan ay mayroong chandelier.
Napakaswerte ng buhay nila. Napakaginhawa ng buhay nilang mga maharlika, ang poproblemahin na lang nila ay kung paano mas palalaguin ang mga ari-arian o ang mga pera nila habang kaming mga taga bayan ay kumakayod araw-araw para lang makakain.
Pahirapan rin sa pagtatrabaho para lang mayroong gastusin sa bayan. Kung sabagay hindi naman kasi kami nasa ilalim ng pamumuno ng kahit ni isa sa mga kastilyo in short ay independent ang mga taong nasa bayan.
"Nakarating na pala kayo" napatingin kami sa babaeng nakasuot ng kulay red na gown na halong kaunting gold. Nahiya naman ako sa suot ko ngayon dahil nakasuot lang ako ng jeans at isang black na v-neck at sapatos. Sila Rain rin naman ay nakasuot ng pantalon ang kaso ay makikita mong prinsesa pa rin sila at makikita mo ring mamahalin ang mga suot nila.
"May bago pala kayong kaibigan. Magpakilala ka hija" nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako pabalik bago nagpakilala.
"I'm Shamira, Shamira Warl" nakangiting sabi ko. Napakunot saglit ang reyna at lumapit sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya lalo na ng haplusin niya ang pisngi ko.
"Saan ka nagmula?" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.
"Isa akong taga bayan" simpleng sabi ko sa kaniya at hindi nakaligtas sa akin ang panlaki ng dalaeang mata niya siguro ay hindi inaasahang galing akong bayan. Napatigil rin siya sa paghaplos ng pisngi ko.
"Mom, is there something wrong?" tanong ni Zeke na nagratakang nakatingin na rin sa amin ngayon. Umiling lang naman siya bago limingon kay Zeke at ngumiti. Binalik niya ang tingin niya sa akin at nakita kong naging kulay pula ang mata niya kaya napaatras ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa inaakto niya ngayon.
Maya maya ay bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata niya at makikita mo ang panlalaki ng mata niya. Tinignan ko sila para humingi ng tulong pero mukhang hindi nila nagets. Tinignan ko si Zeke at tinignan ng may nakikiusap na tingin na tulungan ako. Mukhang nakuha naman niya kaya lumapit na siya sa ina niya.
"Mom, what are you doing? Don't scare her" sabi ni Zeke pagkalapit na pagkalapit niya sa ina niya. Umiling lang siya at hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Anong ganap dito?" isang baritoning boses mula sa isang lalaking kadarating. Para siyang old version ni Zeke at doon ko lang napagtanto na siya nga ang ama ni Zeke. Lumapit naman siya sa reyna na ngayon ay inaalalayan ni Zeke habang si Rain ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa isang braso.
"Ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong niya. Tumango lang ako dahil maski ako ay naguguluhan sa inakto ng reyna.
"May problema po ba?" hindi ko maiwasang magtanong dahil sa napakaweird na action niya. What's with her? Umiling lang siya bilang sagot.
May binigay lang ang ama ni Zeke sa kaniya na hindi ko alam dahil napapalibutan ito ng tela. Pabilog ang shape niya but I really wonder what's that thing. But that's not my bussiness anyway.
"Una na po kami" sabi ni Rain ganoon rin ang iba sa amin.
"Sige, magingat kayo" nakangiting sabi niya. Nailang naman ako ng tinignan niya ako lalo na ng lumapit siya sa akin. "Take care hija" nakangiting sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Fantasy: The Legend
FantasyMavherus, a land where extraordinary people live. They all have different kind of power that made them unique. Do you want to be one of them? Mavherus is a perfect world but after years, all things changed. If you're a royalty, you can have everythi...