Chapter 30
The mysterious man*****
It's been two days since we came back here in the academy. Walang namang gaanong nangyari except na lang kapag nakakakita kami ng mga high rankers dito sa academy, kasi bigla bigla kaming magkakatinginang lahat na para kaming naguusap sa mga mata namin.
While yesterday, they put the twins, Ella and Ellain here in academy to study. Nakausap ko lang sila ng uwian kahapon para magkamustahan, hindi rin kami nag-ungkat ng mga bagay tungkol sa dark orb at issue nila dahil nararamdaman ko, hindi lang ako kundi pati sila zeke rin, na parang mayroong mga matang nakabantay sa galaw ng kambal.
"Kain na" malumanay na sabi ko sabay yuko para ilagay ang pagkain ni kin.
Naisama ko pa si Kin dito sa academy kaya panibagong kargo ko na naman siya. Kahit nga sa kanila Rain ay hindi ko pa siya naipapakita, dahil na rin siguro takot ako sa maging opinyon nila tungkol dito. Mahirap rin siya itago dahil minsan ay nagpupumilit pa siyang lumabas.
Tinignan ko lang siya habang unti-unti niyang inuubos ang pagkain niya. Napahilot na lang ako sa sentido ko at napaupo sa sofa dito sa loob ng dorm ko.
Bigla akong napamulagat ng makita ko sa kalendaryo kung anong araw ngayon, at tahimik na nagbilang. Halos kalahating taon na rin pala ako dito sa academy pero hindi iyon ang nakapag-pakaba sa akin.
Mabilis akong tumakbo sa harapan ng salamin at inalis ang wig ko, doon lumabas ang buhok ko na kumikinang na naman.
Panibagong problema na naman pala, mag kakabilugan ng buwan ngayon, at kapag ganitong panahon ay mas titingkad pa ang kulay ng buhok ko. Lalo na yung parang mga crystal snow niya ay mas liliwanag na parang bituin.
This is the weirdest thing about me, and I don't even know if I should be proud about the uniqueness of my hair. Noon, kapag kumikinang ito ay nasa loob lang ako ng bahay kasama si janella na tuwang tuwang kinakalikot ang buhok ko dahil umiilaw ito.
Hindi naman yung as in na nakakasilaw sa mata, para lang siyang star na kumikinang lang ng kaunti pero namumukod tangi sa dilim.
Napahawak ako sa buhok ko at napasimangot, kasabay rin ang biglang pagtalon ni kin sa balikat ko.
"Paano ko kaya 'to itatago lalo na sa gabi?"
The thing that frustates me more is how the hell will I hide it from them! I'll be look weird, lalo na at may seremonya sa susunod na araw dahil sa kabilugan ng buwan. At seremonya, means pagtitipon, ibig sabihin ay kasali pati mga estudyante ng academy na pupunta sa White Castle.
Kung ngayon pa nga lang kahit na may araw ay kumikinang na ang buhok ko, paano pa kaya sa dilim kahit ba na nakawig ako!
"Shamira!"
My thoughts suddenly errupted by two familiar voices. Dali dali kong kinabit at inayos ang wig ko nago tumungo sa pintuan.
"Hi!" I greeted Anya and Rain na walang pasabing pumasok at pasalampak na umupo sa sofa. Halata ring pagod sila dahil puro pawis ang noo nila.
Bigla kong naalala si Kin, nilingon ko siya at nakita ko siyang nagtatago sa ilalim ng kama ko na kinahinga ko ng maluwag.
"Bakit hinihingal kayo?" takang tanong ko.
As if on cue, biglang nagain ulit ni Rain ang energy niya at may nilabas. It is like a tablet na gadgets ng mga tao pero gawa siya sa metal na may hinalong kapangyarihan.
"You won't believe it!" Anya said, still catching her breathe.
"May nangyari ba?"
"Marami!" sabay na sabi nila na parang sigaw pa nga.
May kinalikot saglit doon si Rain at pagod na tumayo at lumapit sa akin. Tsaka niya binigay sa akin ang hawak hawak niya na alam kong gadgets na gawa ng ilang professor dito sa academy. Hinaral niya yun sa akin na para bang sinasabi na tignan ko yun.
Biglang may lumabas na imahe, alam ko ring isang video ang gusto niyang ipakita. At first, it is pure black but I can hear a little noise from it. Hanggang sa lumabo ng kaunti at may lumabas ng mga imahe.
Sa una ay wala namang kakaiba, at sa pagkakaala ko, the video was take in the forest inside the academy na nagdudugtong sa labas kaya mahigpit na pinagbabawal na pumunta ang mga estudyante doon dahil na rin at mapanganib kahit na merong malaking harang doon para hindi ka na makapunta doon ay hindi pa rin ligtas.
I can see clearly how plants dance with the wind, not until something came up. With a second, biglang may lumabas na itim na cloak. Halos mapatalon pa ako sa gulat ng gumalaw ito.
I can't say if it is a girl or a boy dahil napapalibutan siya ng cloak na itim, plus na rin na may mask siya. I don't know what he is doing, dahil nakatayo lang siya doon.
Hanggang sa gumalaw ito at halos manlaki ang mata ko ng may isang estudyanteng dumating. At mas lumaki pa ang mata ko ng makilala ko ang estudyante na yun.
"Anong ginagawa niya jan?"
Hindi ako makapaniwala na para bang nanghihina ako. Pero hindi lang yun, kita ko kung paano nagiba ang ekspresiyon niya. Hindi naman ganoon kalayo ang camera nito na sinet sa gubat para hindi nito makuha ang tunog ng usapan nila.
"Bakit hindi mo na lang gawin ang utos ko?!" malakas ang pagkakasigaw niya.
"Alam mong hindi pwede, ikaw ang dapat sumunod sa utos ko! Nasa ilalim ka ng pamumuno ko, at lahat ng gusto ko ay susundin mo! Hampas lupa!"
Napatakip na lang ako ng bibig ng bigla siyang sampalin ng taong naka cloak. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, kita ko rin kung paano siya mapahiga sa lupa sa lakas ng sampal na binigay sa kaniya.
Lumuhod ang lalaking nakacloak, at dahan dahang hinawakan ang baba niya. Tsaka marahas na iniharap sa kaniya, at walang sabi-sabing sinundan niya ulit ito ng isang malakas na sampal sa parehong pisngi.
Rinig ko ang daing niya, rinig ko kung gaano siya nasasaktan at nahihirapan sa kinalalagyan niya.
"I can kill you" mahinahon pero may halong pagbabantang sabi ng taong nakaiti.
"Hindi mo ako mapapasunod! You need something from me, you can't kill me!" pero agad rin siyang napahiyaw ng bigla sinugatan siya nito ng isang patalim sa pisngi, sa bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung paano yun nangyari.
"I can kill you, whenever and whereve I want to! You fool! Now, I want you to go back to thay goddamn academy, and do as what I say!" maawtoridad na sabi niya at tumalikod. Akmang hahakbang na siya ng bigla itong lumingon sa kinaroroonan ng camera.
Mabilis akong napatili at kumuntikan kong mabitawan ang hawak ko ng bigla itong nawala at bigla biglang itong nagpakita sa harapan ng camera at biglang nawala na ito.
"Mabuti na lang at hindi rin nasira pati memory ng camera, trinansfer ko na lang sa ibang camera para mapanuod natin ang nangyari," seryosong sabi ni Anya habang ako ay napaupo sa sahig at habol ang hininga ko.
"Paano niyo nakuha 'to?" mahinang tanong ko.
"We didn't," naiiling na sabi ni Rain. "but my guardian did," segundang sabi niya.
"I asked my guardian to roam around the forest, tinest ko lang ang kakayahan niya. I asked him to see weird things, linoko ko rin na kumuha siya ng mga sirang bagay at ito ang kinuha niya," dagdag pa niya.
"I bet, the original camera of that was crashed by that man a days ago base on the structute of the camera and the way how he crashed it up. Talagang pinanggigilan," mahinahong sabi ni Anya.
"Bakit nandoon siya?" garalgal na sabi ko.
****
BINABASA MO ANG
Fantasy: The Legend
FantasyMavherus, a land where extraordinary people live. They all have different kind of power that made them unique. Do you want to be one of them? Mavherus is a perfect world but after years, all things changed. If you're a royalty, you can have everythi...