Chapter 5: Joke

109 52 17
                                    

Kim's POV:

Palabas na kami ng gate ng school,1:00 o'clock na. Katatapos lang ng program.

Napansin ko naman si Keith na parang may tinatago sakin. Hinila niya ako sa may bench sa labas ng school.

Kasalukuyang magkaharp na kami ng magsalita siya. Hindi ko alam ang pakiramdam ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at parang anytime magcocollapse ako.

"Kim may sasabihin ako,alam kong magagalit ka. . . But you need to know the truth" ani Keith. Mababakas mo sa mukha niya ang halong kaba at pag-aalala.

"What truth?" kunot noo kong tanong. My heart is ponding very fast.

"Kim,Bryan was only playing with you"

Nagulat ako sa sinabi niya. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang namental block ako bigla sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin" nautal kong pahayag ngunit sinigurado ko na malamig ang himig ng boses ko. Walang emosyon.

"It was only a joke,it was an act. Inamin niya sa akin kagabi sa chat sa fb" as a matter of fact niyang pahayag.

Nag buffering naman ang utak ko. Hindi ko maintindihan lahat ng sinabi niya.

Yung feeling na niloko ka. Niloloko ka pala is the right word.

Hindi ako makahinga ng maayos. Parang gusto kong magwala. I can feel different emotion inside me.

Nang may naramdaman akong tumulo na luha sa mukha ko tumakbo ako palayo kay Keith.

"Kim! wait!" sigaw ni Keith,ngunit binalewala ko lang iyon.

Sa pagtakbo ko,di ko namalayang nasa tapat na ako ng bahay namin. Binuksan ko ang gate at tahimik na pumasok sa loob ng bahay.

"oh Kim nakauwi ka na pala,sabay ka na ng lunch" bungad sa akin ni mama.

I just smiled at her as an answer.

I bet she know already that I'm not in the mood. You can see dry tears streak through my face.

Nagsimula na akong humakbang patungong hagdanan. Di pa man ako nakakalayo nagsalita si mama.

"Puntahan mo lang ako pag kelangan mo ng kausap" then she smiled at me. Close kami ni mama,aside from my friends sa school bestfriend ko rin si mama.

His Bestfriend 「BaekYeon」|| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon