Chapter 13:Ruined party

100 51 8
                                    

Kim's POV:

-December-

Ilang araw nalang magpapasko na. Christmas party namin ngayon,kahit na ayaw kong pumunta pinipilit ako ng mga kaibigan ko. Kesa ang Kj ko raw. So pinagbigyan ko nalang sila,magbabakasyon rin naman na.

Nasa gate palang ako nang bumungad sakin si Yen at Keith na ngiting-ngiti. Nagtaka naman ako.

Bigla nilang tinakpan ng tela ang mga mata ko. Nagpanic naman ako. Ano na naman ba kasing pakulo 'to? Di ko naman birthday.

Hawak nila ang magkabila kung kamay at ginagabayan ako sa paglalakad. Bawat hakbang nararamdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Sa madaling salita kinakabahan ako.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto,senyales na nandito na kami sa room. Tinanggal nila ang piring sa aking mata.

Madilim. Wala ako masyadong maanimag.

Maya-maya bumukas ang mga ilaw,kumpleto ang mga classmate ko pati narin ang adviser namin. Lahat sila nakangiti.

Bumaling ang paningin ko sa gitna,may banner. Maraming pagkain atsaka may mga lobo sa iba't ibang parte ng room. Kulay violet.

Paborito ko pa talaga.

May lumapit sa akin si Bryan. Nagtaka naman ako nang lumuhod siya.

"Can you be my girlfriend?" Nakangiti niyang sabi.

Tumingin ako sa paligid nakangiti sila lahat. Tila siguradong sigurado silang sasagutin ko si Bryan.

Binaling ko muli ang paningin ko sa kanya. Gustong gusto kong pumayag. Ngunit sabi ng utak ko. Huwag.

"Kim--" bumuka muli ang bibig niya tila naiinip na sa paghintay ng sagot ko.

"Ayaw ko nga eh!" nadala na ako ng emosyon ko.

Hindi naman yun talaga yung gusto kong sabihin eh. Ayaw ko rin naman siyang mapahiya. But it's the only way to save myself.

Umalis ako sa harapan niya,nararamdaman ko ang mga titig ng mga kaklase ko. Nagtataka siguro sila,hindi naman kasi nila alam ang nangyari eh. Alam nila Okay ako,okay lahat.

Pinatong ko muna yung regalo ko sa lamesa at lumabas na. Sabi ko na nga ba di na dapat ako pumunta.

Nasaktan ko lang siya. Nasaktan ko lang rin sarili ko.

I just ruined the party.

His Bestfriend 「BaekYeon」|| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon