Chapter 10: Phone call

92 50 5
                                    

Kim's POV:

-One night-

Habang kinakalkal ko yung bag ko may nakita ako sa bulsa nito. Nakabilot na papel.

"You're my star"

Yan ang mga katagang nakasulat sa papel. Alam ko kung sino ang nagsulat nito kahit walang pangalan. Si Bryan.

Saglit akong natutulala at biglang nagplay sa utak ko yung mga memories namin.

Pagkatapos kong makarecover sa mga iniisip ko,lumapit ako sa study table at kinuha ko ang cellphone ko.

Humiga ako sa kama,at nagpipipindot sa cellphone ko.

I just found my self dialling his number. Kahit matagal ko na itong binura kabisado ko parin. Useless lang din.

"Sagutin mo effort to" pabulong kung sabi habang nakatapat ang cellphone sa aking tenga.

Ito ang kauna-unahang beses ko siya tatawagan sa cellphone after ng pangyayring iyon kaya di ko maiwasang hindi kabahan.

Biglang tumigil ang pag ring at may sumagot sa kabilang linya.

"Hmmm. Hello?" Usal ko.

"Ahh...Hi?" aniya. Tila hindi siya sigurado sa sagot niya. Marahil nagtataka siya kung bakit ako tumawag.

"Ano kasi...kamusta?" tanong ko.

"Parang di naman tayo nagkikita sa school" natatawang sabi niya.

Nagkikita nga,di naman nag-uusap. Psh.

"Palabiro ka parin" bulong ko. Hindi ako sigurado kung narinig niya ito dahil biglang tumahimik sa kabilang linya.

"Bat ka pala napatawag?" takang tanong niya.

"Wala lang...sige bye na" i-end call ko na sana kaso bigla siyang nagsalita.

"I love you so much Kimberly Noelle Tolentino"

Sa mga oras na yun tila tumigil na naman ang pagikot ng mundo ko.

Yan na naman. Sa tingin niya maniniwala pa ako? Don't me. Iba nalang.

"Liar! if you love me,why did you do that to me?" walang alinlangang lumabas sa bibig ko ang mga salita na yan. Galit ako. Asar. Halo halong emosyon. Hindi naman kasi ako yung tipong pinaglalaruan.

I started to cry. I'm so pathetic right now.

"Kim...I'm sorry,alam kong mali yung ginawa ko..pero-" mababakas sa boses niya ang pagsisi at sensiridad.

But who am I kidding. Magaling siyang umarte kaya di na ako ulit maniniwala sa kanya. Mahirap. Mahirap na ibalik ang mga bagay na sira na.

"Pero ano?! napaniwala mo ako! freak! alam mo bang nangako ako sa sarili ko na hindi na kita kakausapin,hindi na ako iiyak. Kaso sa isang I love you mo lang nababaliw na naman ako!"

Tuloy tuloy parin ako sa pagiyak,parang gripo ito na ayaw tumigil.

Pakiramdam ko ibang iba na ako. Hindi ako ito. Hindi ako ganito dati. I never cry because of a man. Siguro nga mahal ko talaga siya. No doubt about that.

"Alam ko...It's my fault,hindi ko agad sinabi sayo na joke lang to. But that was before kim,mahal talaga kita. Please makinig ka" pagmamakaawa niya sa akin.

"What the hell Bryan! bakit di mo sinabi dati pa edi sana hindi ako nagmukang tanga! sa tingin mo okay lang sa akin? wasak ako. Wasak na wasak. Tinuring kitang kaibigan tapos ganito? let's stop it here. I need a break"

"Wait ki---" hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Pinatay ko na ang cellphone ko.


I need a break. Naguguluhan ako. Litong-lito.

His Bestfriend 「BaekYeon」|| CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon